Wednesday , December 25 2024

Pacquiao knockout sa netizens

00 pulis joey

KAMAKALAWA, bumisita si Vice President Jejomar ‘Jojo’ Binay sa General Santos City.

Sinalubong si Binay ng kanyang kaalyadong world boxing champion at Saranggani Congressman na si Manny Pacquiao.

Sa programang inihanda ni Pacquiao kay Binay, pinuri at ipinagtanggol niya ang Bise Presidente sa mga akusasyon ng katiwalian sa mga proyektong ginawa SA Makati City noong siya pa ang alkalde.

Naniniwala raw siya na magiging mabuting pangulo ng bansa si Binay after ng term ni PNoy sa 2016 dahil nanggaling sa hirap.

Ang mga papuring ito ni Pacquiao kay Binay with matching photos na magkasama sila ay umani ng negative feedback sa netizens nang i-post ng ANC sa kanilang website.

Ayon sa ANC website, mahigit sa 400 ang nag-comments ng malulupit at brutal laban kay Pacquiao.

Si VP Binay at kanyang anak na kasalukuyang Makati Mayor na si Junjun ay nahaharap sa kasong plunder sa Ombudsman kaugnay ng kontrobersiyal na P2.7-B 11-storey Makati Parking Building.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado ang nasabing Parking Building matapos nabulgar na marami pang katiwalian sa mga proyekto na kinasasangkutan ng mag-amang Binay.

Pati ang maybahay ni Vice President na si Dra. Elenita, naging one term mayor ng lungsod, ay ibinuking ng Commission on Audit (CoA) na nag-overprice ng higit P60-million sa mga biniling beddings sa ospital.

Dahilan para sunod-sunod na ang pagbagsak ng trust at performance ratings ni VP Binay sa mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Station.

Anyway, balikan natin ang pagbugbog ng netizens kay Pacquiao sa pamamagitan ng mga brutal na komento.

Oo, hindi maganda ito sa imahe ni Pacquiao na tinitingalang sports hero ng bansa. Makabubuting umagwat na lang siya sa ‘tainted’ politicians. Lalo’t may ambisyon rin siyang tumakbong senador pagkaretiro niya sa boxing sa 2016.

Ang 35-anyos na si Pacquiao ay kasalukuyang 2nd term congressman ng Saranggani Province.

Makinig ka sa advice ng netizens, Manny, para sa ikapananatili ng iyong magandang pangalan. Pramiz!

Mga kolektong

na opisyal ng PNP

– Mr. Venancio, may dalawang opisyal ngayon ng NCRPO na nanghihingi ng ‘timbre’ sa mga iligalista. Ito’y sina Major (C/Insp) Senen.. at Ech… ng R2. Sila raw ang mga bagong ‘bagman’ na may ‘basbas’ ni Gen. Valmoria at Sec. Roxas. Pag may nanghuling pulis ng mga iligal, tinatawagan nila at nire-relieve. Kaya ang mga pulis takot nang manghuli ng mga iligal sa Metro Manila. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. Pulis din ako. – Concerned police

O, General Valmoria, Sir, kilala mo ba si C/Insp. Senen… at Ech… Aba’y pangalan mo at pangalan ni Sec. Roxas ang ginagamit nilang ID sa pagpangolektong sa mga ilegal. Tsk tsk tsk…

Lagayan sa training

ng nagpupulis

– Isa po akong kagawad ng barangay dito sa Tondo. Napanood ko sa TV, isiniwalat ni Kapitan Dino ng Quezon City at VAC (Volunters Against Crime) sa hearing sa Senado ni PNP Chief Purisima kung paano nagiging salbahe o kung paano nahahawa ang bagong pulis na kagagaling palang sa training e nagiging salbahe na. Kulang pa po ang impormasyon nya. Ang dapat pong tutukan a ang recruitment. Dito nagkakalagayan ng husto. Umpisa sa pag-BI o background check. Sa Intelligence section palang ay may lagayan na – alak at pera pera. At pagdating sa Camp Bagong Diwa, mula recruitment office papunta medical gumagastos ang recruit ng malaki kung may problema lalo sa pag bagsak sa BI. Higit lalo sa pag bagsak sa medical – neuro, ang presyo doble na. Ang kaya lang ho maggastos nito e yung mga magulang o kaanak ng tulak ng droga, financier ng holdaper at mga iligalista. Madami ho dito sa amin yan. Sana ho, Gen. Purisima, umpisahan nyong ayusin ang pag-recruit. Pa-double check nyo sa pinagkakatiwalaan at matitino na intillegence agency ng PNP. Wag nyo po basta pagkatiwala sa intel section ng presinto ng PNP. Bantayan rin po sana ng Napolcom ang recruitment office ng PNP particular Camp Bagong Diwa. – 09335650…

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

 

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *