Thursday , December 26 2024

Dir. Gen. Alan Purisima ‘bukod kang pinagpala’

00 Bulabugin jerry yap jsySABI nga ni Senator Grace Poe, maswerte si Philippine National Police (PNP) chief, Alan Purisima, sapagkat malaki pa rin ang tiwala sa kanya ng Pangulo.

E Madam Senator, mukhang hindi lang masuwerte kundi ‘bukod na pinagpala’ ‘yang si PNP chief, General Perasima ‘este’ Purisima.

Paano naman natin hindi sasabihing ‘bukod na pinagpala’ ‘e mantakin ninyong mayroong mansion at rest house sa napakalaking lupain sa San Leonardo, Nueva Ecija na nagkakahalaga lang daw ngayon ng P3.7 mil-yones.

Murang-mura lang daw pagkakakuha d’yan ni Gen. Alan noon sa presyong 1.6M. Kapag ibinenta mo ngayon ‘yan t’yak tubong-lugaw ka.

Aba, ngayon lang Gen. Purisima, may buyer tayong babayaran ka agad ng cash… P5 milyon o kahit hanggang P10 milyon pa para d’yan sa property mo na ‘yan.

‘Yung isang Bulabog boy naman natin, muntik malaglag ang pustiso dahil napapalatak nang marinig ang sinabi mong P1.5 milyon lang ang TOYOTA PRADO mo.

Bigla tuloy tayong nagkainteres na makilala rin ang dealer/friend ninyo na napakahusay mag-deal dahil naitutulak niya sa ‘yo ng P1.5 milyon ang isang Prado.

A very big discount for a friend, Gen. Purisima?

Hindi d’yan natatapos ang swerte ni Gen. Purisima. Ang kanyang White Mansion sa loob ng Camp Crame ay naipatayo umano sa P11-milyon donasyon ng kanyang mga piling kaibigan. To be specific, his friends form construction industry (daw).

Ibang klaseng swerte ‘yan talaga. Lupa ng gobyerno, tinayuan ng White House mula sa donasyon ng mga kaibigan?!

Sana’y meron rin akong mga kaibigan tulad ng mga kaibigan mo Sir Alan!?

Higit ka pa sa ‘bukod na pinagpala’ Gen. Purisima.

Si Kristo ipinako sa krus, ikaw mukhang ‘ipinako sa sandamakmak na swerte.’

At ikaw, ikaw mismo, naniniwala ka na ang rating mo sa pagpapatupad ng peace in order bilang PNP chief ay 9 out of 10 …

Sonabagan! Lokohan na ba’to!?

Hindi ka lang ‘bukod na pinagpala,’ diyos ka na ‘ata Gen. Purisima … diyos na ang tingin mo sa iyong sarili? Diyos-diyosan na mukhang hindi umaapak sa lupa dahil hindi mo alam kung ano ang itsura ng peace and order ngayon sa bansa.

Hindi mo nakikita ang sandamakmak na patayan, pagkalat ng bulto-bultong illegal na droga, carnapping, snatching, holdap dito holdap doon at may kidnapan pa… ‘yan ang 9 out of 10 rating mo Gen. Purisima sa iyong peace and order.

Mukhang hindi lang ‘swerte’ ang mayaman sa iyo … mayaman ka rin sa kapal … sa KAPAL NG MUKHA?

Magkalakas ng loob kaya si PNoy na tanungin ka kung kanino mo hiniram ‘yan?!

Palagay ko’y hindi, kasi baka ang isagot mo ay: “SA IYO!”

Wahahahahaha!

ANG STARLET NA ‘EA’ NI PNP GENERAL ALEX IGNACIO BIGLANG IDINENAY

NAG-TRENDING sa social media ang post ng isang FHM model na si Alyzza Agustin tungkol sa paggamit niya ng calling card ni PNP (na naman) director for plans Gen. Alex Ignacio para siya makalusot nang sitahin ng traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa number coding.

Ito ang nakasulat sa calling card: “Pls extend assistance to my EA.”

Ano ba ‘yong EA? Extrang asawa o executive assistant?

Pamoso ngayon ang linyang … “Nahuli na naman ako dahil coding but because of you Boss Alex wala ng huli huli. Thank you so much sa napaka useful mong card with matching dedication pa #happykid”.

How sweet naman…

Ilang araw na itong pinag-uusapan at pinagpiyestahan sa social media habang umuusok ang tuktok ng ilang Senador sa Senate hearing dahil sa anila’y walang kurap na pagsisinungaling ni Gen. Purisima.

Kahapon, pinabulaanan na ni Gen. Ignacio na sa kanya ‘yung calling card at lalong hindi niya kilala si Alyzza Agustin.

By the way, ang pinag-uusapan nga palang Gen. Ignacio rito, is the same police general na humarap sa Senate hearing noong wala pa si Gen Purisima at nasa Colombia pa.

Si Gen. Ignacio ang hepe ng PNP Director for Plans na siyang may hawak ng modernization plan ng PNP.

Ngayong itinanggi na ni Ignacio na hindi sila magkakilala ni Agustin, sinabi rin ng FHM model na hindi naman niya talaga kilala ang PNP official.

Owws… sa totoo lang ha!?

Humingi rin ng paumanhin si Agustin sa lahat ng naapektohan lalo sa pamilya ni Ignacio.

Isa lang daw siyang pangkaraniwang motorista na gustong maging maayos ang kanyang pagbibiyahe.

Sa kasalukuyan pala ay nasa Malaysia si Ignacio para sa isang presentation ng Philippine National Police sa Aseanapol conference.

Aniya, “The card which she posted is not an official PNP business card representing my office, my rank, and my designation. I am a Chief Superintendent (1-star rank) and not a Director (2-stars).

“She is not my Executive Assistant and there is no such position in my office.”

Parang nakaiintriga ‘yang ‘posisyon’ na ‘yan.

Anyway, isa lang ang napansin ko rito.

Nang lumabas ang isyu ng SALN ni Gen. Purisima, siya ay nasa Colombia at si Ignacio ang humarap para sa kanya sa Senado.

Ngayon naman naintriga si Ignacio, pumutok ang isyu ng ‘EA’ at ‘calling card.’

Mukhang naglalaro ng ‘chess’ ang mga ‘spin doctors’ na nagtatago sa mga lungga ng daga.

Hindi na tayo nagtataka dahil malapit na naman ang eleksiyon …

Walang gagawin ngayon ang sambayanan kundi ang manood sa inilalatag na sitwasyon ng mga matatakaw sa kapangyarihan.

Tsk tsk tsk …

By the way Gen. Ignacio, pwede ho bang makahingi rin ng calling card n’yo!?

RAKET NG TULISAN SA MGA SHIPPING LINES DAGDAG SA PORT CONGESTION PROBLEM

DAPAT sigurong busisiin ng Task force Pantalan ang nagaganap na raket ng ilang shipping lines sa pagsauli ng container na nasa area of responsibility (AOR) ng Philippine Ports Authority (PPA).

Sa mga reklamo/impormasyon na ating nakalap, ito ang nakikitang dahilan ng port congestion sa Pier. Mayroon kasing raket ang ilang empleyado ng mga shipping line na hindi na pinapapasok at pinasosoli ang ilang container dahil wala na umano silang paglalagyan sa loob ng pier.

Sino nga naman trucking ang hihila ng container mo kung hindi naman maisosoli agad sa kanilang yarda!?

Pero pag may ‘lagay’ na P5K pataas kada container ay papayagan nilang maisoli sa yarda nila ang container.

At ‘yan ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng port congestion.

Sonabagan!!!

Paging PPA, panahon na para pag-aralan ninyo ulit na buksan ang mga outside container yard kung hindi na ninyo kayang i-accommodate ang mga container sa loob ng pier.

Aksyonan n’yo na ‘yan!

SUGAL-LUPA SA BAYAN NI MAYOR JOEY CALDERON

ALAM kaya ni Angono Mayor Joey Calderon na may nakalatag na anim na mesa ng color games at isang mesa ng drop-ball ang perya-galan financier na si Aling Toyang at ang manugang nitong si Allan alias “Yabang” na nakapwesto sa isang bakanteng lote, parking area ng mga jeep sa Brgy. San Pedro sa harapan ng public market sa bayan ng Angono, Rizal?

Nakatimbre na raw sa command ng Rizal-PNP at sa PNP-Angono Rizal ang sugalan nina Toyang at Allan.

Timbrado ‘este’ Alam rin kaya iyan ni PNP-Rizal PD Col. Balba???

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *