NAG-TRENDING sa social media ang post ng isang FHM model na si Alyzza Agustin tungkol sa paggamit niya ng calling card ni PNP (na naman) director for plans Gen. Alex Ignacio para siya makalusot nang sitahin ng traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa number coding.
Ito ang nakasulat sa calling card: “Pls extend assistance to my EA.”
Ano ba ‘yong EA? Extrang asawa o executive assistant?
Pamoso ngayon ang linyang … “Nahuli na naman ako dahil coding but because of you Boss Alex wala ng huli huli. Thank you so much sa napaka useful mong card with matching dedication pa #happykid”.
How sweet naman…
Ilang araw na itong pinag-uusapan at pinagpiyestahan sa social media habang umuusok ang tuktok ng ilang Senador sa Senate hearing dahil sa anila’y walang kurap na pagsisinungaling ni Gen. Purisima.
Kahapon, pinabulaanan na ni Gen. Ignacio na sa kanya ‘yung calling card at lalong hindi niya kilala si Alyzza Agustin.
By the way, ang pinag-uusapan nga palang Gen. Ignacio rito, is the same police general na humarap sa Senate hearing noong wala pa si Gen Purisima at nasa Colombia pa.
Si Gen. Ignacio ang hepe ng PNP Director for Plans na siyang may hawak ng modernization plan ng PNP.
Ngayong itinanggi na ni Ignacio na hindi sila magkakilala ni Agustin, sinabi rin ng FHM model na hindi naman niya talaga kilala ang PNP official.
Owws… sa totoo lang ha!?
Humingi rin ng paumanhin si Agustin sa lahat ng naapektohan lalo sa pamilya ni Ignacio.
Isa lang daw siyang pangkaraniwang motorista na gustong maging maayos ang kanyang pagbibiyahe.
Sa kasalukuyan pala ay nasa Malaysia si Ignacio para sa isang presentation ng Philippine National Police sa Aseanapol conference.
Aniya, “The card which she posted is not an official PNP business card representing my office, my rank, and my designation. I am a Chief Superintendent (1-star rank) and not a Director (2-stars).
“She is not my Executive Assistant and there is no such position in my office.”
Parang nakaiintriga ‘yang ‘posisyon’ na ‘yan.
Anyway, isa lang ang napansin ko rito.
Nang lumabas ang isyu ng SALN ni Gen. Purisima, siya ay nasa Colombia at si Ignacio ang humarap para sa kanya sa Senado.
Ngayon naman naintriga si Ignacio, pumutok ang isyu ng ‘EA’ at ‘calling card.’
Mukhang naglalaro ng ‘chess’ ang mga ‘spin doctors’ na nagtatago sa mga lungga ng daga.
Hindi na tayo nagtataka dahil malapit na naman ang eleksiyon …
Walang gagawin ngayon ang sambayanan kundi ang manood sa inilalatag na sitwasyon ng mga matatakaw sa kapangyarihan.
Tsk tsk tsk …
By the way Gen. Ignacio, pwede ho bang makahingi rin ng calling card n’yo!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com