Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Purisima out!

00 BANAT alvinPANAHON na para sibakin ng Malakanyang si PNP chief Director General Alan Purisima.

Hindi na kasi naaayon sa tuwid na daan ang pinaggagawa niya lalo’t higit nabisto na ng taumbayan ang kanyang sangkatutak na pag-aari, na aabot sa daang milyong piso.

Kung inyong natatandaan, si Purisima ay ipinagtanggol pa ni PNoy bago umalis patungong Europe at sinabi ng pangulo na buo pa rin ang kanyang tiwala kay Purisima dahil ehemplo ng tunay na public servant.

Malinaw sa ipinakitang video ng ABS-CBN ang kayamanan ni Purisima at ito ay pinatunayan matapos i-pokus ng kamera ang marangyang pahingahan ng heneral sa San Leonardo, Nueva Ecija na may swimming pool at makabagong poultry sa Cabanatuan City.

Bukod sa naturang mga pag-aari sa Nueva Ecija ay sinasabi rin ng Coalition of Filipino Consumers sa pangunguna ni Jaime Tagalog, na mayroon rin tatlo hanggang apat na pag-aaring magagarang condo si Purisima, na ayon kay PNoy ay matagal na niyang kakilala.

Dito ngayon muling masusubok ang desisyon ni PNoy dahil panahon na para ipakita niya sa madla na hindi niya kukunsintihin ang kanyang mga tauhan.

Malinaw kasi na kapag kalaban ni PNoy ay talagang kinakastigo agad samantala kapag kanyang kakampi ay kaagad inaabswelto, at iyan ang malinaw sa mga nakalipas na pangyayari.

Maging sa pagbibigay ng lisensiya ng baril ay nasabit din ang pangalan ni Purisima dahil mayroon daw kinontrata para kumita sa naturang mga transakyon.

Kaya’t tama lamang ang ginawa ni Senadora Grace Poe na ipatawag si Purisima sa Senado dahil kung hindi siya kayang sibakin ng kanyang among si PNoy ay malamang dito siya magisa dahil kilala namang dito magaling ang ating mga senador, na karamihan ay bihasa sa grandstanding.

 

Alvin Feliciano

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …