Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBI Director Mendez at BoC Depcomm. Nepomuceno, the hardworking public servants

00 parehas jimmy

HINDI pa rin mapipigilan ang magandang performance ni Customs Depcom. Ariel Nepomuceno dahil sa pagkakasabat kamakailan ng 50 container vans na bigas na tangkang ipuslit sa MICP.

Alerto ang buong Team ng Bureau of Customs (BoC) Enforcement Group sa ilalim ni Nepomuceno para lang mabantayan ang malalakas pa rin ang loob na mag-ismagel ng bigas.

Hindi sila makalulusot kay Depcom Nepo dahil may alas siya sa Intelligence Gathering at hindi siya ipinanganak kahapon lang.

Babala ito sa mga smuggler at importer, magsitigil na kayo sa inyong ginagawang pagsasabotahe sa ekonomiya ng ating bansa. Kaya tuloy-tuloy ang kampanya niya sa mga ilegal na aktibidades ng mga smuggler at broker.

Nagbabala rin siya sa mga opisyales ng Customs Police na huwag makipagsabwatan na kahit sino na smuggler at siya ay nakahandang palitan at kasuhan sila kapag hindi sumunod sa tuwid na daan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Of course ‘di naman magtatagumpay si Depcom Nepo kung wala ang kanyang magagaling, matitikas at alertong mga tauhan sa Office of the Deputy Commissioner for Enforcement

Si Depcom Nepomuceno ay may pusong makatao, maka-Diyos at makabayan at dahil na rin sa kababaan ng loob niya at matulungin sa mga nangangailangan ng tulong niya lalo na ang mahihirap nating kababayan na hindi lang sa Bureau of Customs kasama na rin ang mga tagalabas.

Ako’y naniniwala na iba pa rin ang pamumuno ni Depcom Nepomuceno at nakikita ko na kaya matagumpay ang mga negosyo niya dahil palaging kasama sa puso niya ang ating Panginoon.

Again Congrats Depcom Nepomoceno for a job well done!

***

Ito rin ang isang kakaiba ang panunungkulan, si NBI Director Atty. Virgilio Mendez na napakaraming accomplishment mula nang pamunuan ang bureau kaya sila ngayon ay pinagkakatiwalaan na ulit ng taong bayan.

Nakita n’yo naman na lahat ng malaking krimen ay kanilang nasasawata.

Talagang performance level ang Anti-Organized Transnational Crime Division, Anti-graft Division, Interpol Division, Anti-Fraud Division, Reaction Arrest Interdiction division, Anti Human Trafficking Division, Death Investigation Division, Cyber Crime Division at IPRD.

Makikita ninyo kung gaano kasigasig si Director Mendez na kahit abutin ng madaling araw ay tatapusin lahat ng trabaho niya at laging suportado at binibigyan ng moral support ang mga operatiba ng NBI.

Nakikita na ng taumbayan kung paano magtrabaho ang buong NBI at talagang nandoon ang tinatawag na Nobility, Bravery at Integrity.

Sa susunod na buwan ay magkakaroon ng NBI Golf Tournament na tinawag na Director Mendez Golf Tournament at ang kikitain ay para sa mga pangangailanangan ng NBI at makatutulong din sa mga biktima ng kalamidad.

‘Yan po si Director Mendez, may pusong makatao at maka-Diyos. Isa sa Hardworking Public Servant sa PNoy administration.

Kaya inspirado ang mga taga-NBI dahil sa magandang pamumuno ni Director Mendez.

Mabuhay kayo mga utol ko sa NBI.

KUDOS NAIA CUSTOMS OFFICIALS

Simula nong manungkulan si Coll. Emir Aceron bilang Deputy Collector for Assessment ng NAIA Customs ay napakaganda ang kanilang leadership example kasi malaki ang collection taxes dahil sinisiguro niya na mapupunta ang buwis para sa bayan.

Keep up the good work Coll. Aceron.

You are one of the best!

Ganoon din si Deputy collector Kriden Balgomera na kaaya-aya, kagalang-galang na opisyal ng Department of Finance dahil napakaganda ang kanyang pakikitungo sa mga namumuno at napakarespetado niya sa mga rank and file sa Bureau of Customs sa NAIA.

Bibihira ang kagaya ni Coll. Balgomera na may katangian na hinahangaan sa kanyang pamumuno.

‘Yan ang mga alamat ng NAIA Customs sa pamumuno ni NAIA District Collector Ed Macabeo.

God bless us all!

 

Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …