Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P2.6-T 2015 budget lusot sa 2nd reading

Philippine Congress and Senate during a joint session on martial law in Maguindanao

NAKALUSOT na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang P2.606 trillion proposed national budget para sa 2015 makaraan ang dalawang linggong marathond deliberations.

Magugunitang nagsimula ang deliberasyon ng plenaryo sa proposed General Appropriatos Act (GAA) 2015 noong Setyembre 15, nagkaroon ng debate, muntikang pag-aaway ng mga mambabatas at naantala dahil sa mga kulang na dokumento.

Makaraan pumasa sa ikalawang pagbasa, sinabi ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., mas transparent at “porkless” ang budget sa susunod na taon.

Mayroon itong anim na volume na ibig sabihin ay mas detalyado ang budget allocation sa susunod na taon kompara sa nakaraang mga budget na aabot sa dalawa hanggang sa tatlong libro lamang.

Sa ipapasang budget, tatanggap ang Department of Education (Dep-Ed) nang pinakamalaking budget na aabot sa P364.9 billion; Department of Public Works and High-Ways (DPWH), P300 billion; Department of National Defense, (DND), P144 billion; Department of Interior and Local Government (DILG), P141.4 billion; Department of Health (DOH), P102.2 billion; Department of Agriculture (DA), P88.8 billion; Department of Transportation and Communication (DOTC), P59.4 billion; Department of Environment and Natural Resources (DENR), P21.29 billio; at Judiciary, P20.28 billion.

P70-K TAX EXEMPT CEILING SA BONUS LUSOT SA 3RD READING

INAPRUBAHAN na sa third at last reading ng Kamara ang House Bill 4970, naglalayong taasan ng P70,000 ang tax exemption ceiling sa mga bonus kabilang na ang 13th month pay.

Dahil dito, hihintayin na lamang ang magiging desisyon ng Senado sa nasabing bill bago ito ipatupad bilang isang batas.

Nabatid na sa kasalukuyan ay aabot lamang sa P30,000 ang tax-free na bonus ng mga manggagawa.

Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay tutol sa House Bill 4970 dahil aabot anila sa P43 bilyon ang mawawala sa gobyerno kapag isinabatas ito.

Kamakalawa ng gabi ay pormal na inaprubahan ng mga mambabatas sa huling pagbasa ang tax excemption ceiling.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …