Thursday , December 26 2024

Death penalty dapat na ba talagang ibalik!?

00 Bulabugin jerry yap jsyWALA na nga sigurong ibang mapagpipilian pa ang lipunan ngayon kundi ibalik ang DEATH PENALTY o parusang kamatayan.

Alam natin na maraming tumututol dito lalo na ang human rights advocates at inirerespeto natin ang kanilang posisyon.

Pero sa dami ng sunod-sunod na karumal-dumal na krimen, na ang karamihan ng mga biktima ay babae, matanda at bata na tila hindi nabibigyan ng proteksiyon ng pulisya palagay natin ay dapat na talagang gamitin ang ‘pangil’ ng batas.

Karamihan ng nagaganap na krimen ngayon ay drug related. Kaya imumungkahi natin na unahin nang isalang sa bitayan ang mga bigtime drug lord na naririyan sa Bilibid.

Lalo na ‘yan mga dayuhang Tsino na nagluluto ng shabu sa ating bansa!

Hindi lingid sa lahat, na kahit nasa Bilibid na ‘yang mga notorious drug lord na ‘yan ay nakapangangalakal pa rin ng ilegal na droga sa pamamagitan ng mobile cellphone/iPhone.

Hindi ba’t nakapagpapa-ospital pa nga at nakapagpapakuha pa ng starlet?!

Huwag na natin bulagin ang ating mga sarili. Tayong nakauunawa ng humanidad ay kayang ipagtanggol ang ating sarili.

Paano ‘yung maliliit nating kababayan na dahil sa sobrang kawalan ng oportunidad sa buhay ay itinuring na lang nilang kaaba-aba ang kanilang sarili at hinahayaang maagrabyado sila ng kanilang kapwa kahit buhay na nga nila ang nilalapstangan?!

Hindi sila naipagtatanggol ng mga pulis na kanilang nilalapitan … sino ngayon ang dapat na magtanggol sa kanila?

Wala na tayong makitang deterrent laban sa mga pusakal na kriminal kundi ang pangil ng batas laban sa mga buhay na mapang-abuso.

Mga kagalang-galang na mambabatas (congressmen at senators), ‘wag na kayong magpatawing-tawing pa at hintayin na kayo mismo o ang pamilya ninyo ang kasunod na biktima.

Ibalik ang death penalty laban sa hardened and notorious criminals!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *