BUKAS si Senate President Franklin Drilon na pagdebatihan ang parusang death penalty na balak ibalik ng ilang mambabatas para masolusyonan ang lumalalang problema ng krimen sa bansa.
Sinabi ni Drilon, dapat tingnan kung ang pagtaas ng insidente ng krimen ay dahil sa pagpapatigil sa death penalty law noong 2006 o dahil sa hindi maayos na pagpapatupad ng peace and order situation ng mga pulis sa bansa.
Giit ng senador, importante ang police visibility dahil kung hindi nakikita ang mga pulis ay marahil ito ang dahilan kung bakit may mga nangyayaring krimen.
Ito aniya ang dapat ikonsidera kung nais ng mga mambabatas na ibalik ang parusang kamatayan.
Dagdag niya, sapat ang ibinibigay na pondo ng nasyonal na gobyerno sa PNP para sa kanilang tungkulin na magpatupad ng peace and order.
(CYNTHIA MARTIN/
NIÑO ACLAN)