BINULABOG ng mga aktibistang Fil-Am ang dinaluhang open forum ni Pangulong Benigno Aquino III sa Columbia University sa New York City, USA kamakalawa.
Sinigawan ng “Shame on you” si Pangulong Aquino habang nagsasalita ng pinaniniwalang mga kasapi ng Anakbayan–USA chapter).
Hniyawan din ang Pangulo ng isang aktibista na “I look up to your mother. I am a Filipino woman and I saw her as a hero—a modern-day hero for me—and what do you do? You want a charter change to extend your presidency? I looked up to her as a hero and now I see the realities of what your family has done. I have been to Hacienda Luisita. I have seen nine-year olds who lost…”
Pinatigil ng forum host ang babae, ngunit imbes na tumigil ay sumagot siya ng ,”This is the only opportunity I have to talk to the person…”
Ayon sa Fil-Am activists, kailangang ipaliwanag ni Aquino ang extrajudicial killings sa Filipinas, kung saan napunta ang mga pondo para sa Yolanda victims, at ang presensiya ng tropang Amerikano sa bansa.
Hindi sila pinansin ng Pangulo at nagpatuloy sa pagsagot sa mga tanong sa kanya sa open forum ngunit humingi ng paumanhin sa kanya si Columbia University president Lee Bollinger.
(ROSE NOVENARIO)