Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PDEA raid sa Pampanga, ayos! Shabu bantayan vs tiwaling agents!

00 aksyon almar

SINO’NG nagsabing natutulog sa pansitan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)? Sino!? Naku lagot kayo kay Jimmy M. n’yan.

Sino’ng nagsabi rin na tila natatalo na ng Quezon City Police District, District Anti-Illegal Drug (QCPD-DAID) na pinamumunuan ni S/Insp. Roberto Razon, sa huli ang PDEA dahil sa sunod-sunod na malalaking huli ng QCPD? Sino!? Sino ba Jimmy Boy? Hindi ako ha! He he he…

Wala naman daw nagsasabing ganoon ang PDEA Pareng Jimmy Boy at sa halip, kinakatok lang ang PDEA dahil sa nagkalat na naman ang droga sa bansa. Di ba nga, panghuhuli at pagsugpo kasi ng droga/drug syndicate ang pangunahing trabaho ng PDEA? Tama!

Infairness naman sa PDEA, hindi naman sila nagpapabaya. Katunayan ay marami-rami na rin silang nahuli at napakulong na mga drug dealer. Iyon nga lang, ang ibang huli nila kahit na may sapat na ebidensiya ay pinawawalangsala ng korte. Ewan kung bakit nagkaganoon. Sa magkanong halaga kaya nabibili ang ilan sa taga-korte? Ops, hindi naman sila nagbibili kundi baka lang naman nagkaroon ng technicalities kaya, napapawalang sala ang huli. Ganoon ba ‘yon?

Ano pa man, muling ipinamalas ng PDEA kamakailan na buhay na buhay ang ahensya at patuloy sa pagtrabaho. Heto nga, nakatsamba uli sila. Wow, hindi naman tsamba ‘yan kundi talagang dugo’t pawis ang kanilang itinaya para lamang mawasak ang malaking pagawaan ng shabu sa Pampanga. Tama ba ‘yon Jimmy Boy?

Sa isinagawang operasyon ng PDEA kasama ang PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force, dalawang malalaking shabu lab lang naman ang kanilang pinilayan sa San Fernando, Pampanga. At take note, hindi lang 10 kilong shabu ang nakumpiska kundi 1,100 kilos na nagkakahalaga ng P7 billion. Hanep! Barya! He he he… laking huli nito ha sir Derrick Arnold Carreon, PDEA spokeman.

Congratulations po sa inyo diyan sa PDEA.

Bukod sa pagkakakumpiska sa nabanggit na ilegal na droga maging ng mga kagamitan ng pagluluto ng shabu, apat na dayuhan na pawang Chinese national ang naaresto, batid ko’y kinasuhan na ang apat. Naku po, bantayan po ninyo ‘yan sir Derrcik, baka magugulat na lamang tayo pagkalipas ng ilang buwan ay biglang palalayain ng korte ang apat. Released for further investigation. Sayang ang trabaho kapag mangyari ito.

Ano pa man, malaki pa rin ang tiwala natin sa korte natin. Oo sa korte pero ang mga nagpapatakbo ng korte, paano? Ano sa tingin mo Jim Boy?

Mga nadakip at kinasuhan ay sina Jason Lee, Willy Yap, at Near Tan, ng Xiamen, China; at Ying Ying Huang, alias “Sophia,” ng Fujian, China.

Unang sinalakay ng PDEA at PNP ang laboratory sa Greenville Subdivision, Barangay San Jose. Dito nahuli sina Lee, Yap at Tan.

Nakumpsika ang 910 kilong shabu bukod pa sa 250 kilong ephedrine, isang precursor sa paggawa ng shabu.

Ikalawang sinalakay ang shabu lab sa kanto ng Rome at Moscow streets sa Richtown I Subdivision, Barangay Sindalan. Nadakip dito si Huang na nakumpiskahan naman ng 200 kilong shabu.

Authorities are still making an inventory of the all the seized items.

Ang apat na nadakip ayon kay Carreon ay pawang miyembro ng “Chua drug syndicate,” na matagal na rin minamanmanan ng tropa ng gobyerno.

O hayan, sino’ng nagsabing walang ginagawa ang PDEA?

Uli, PDEA Director Arturo Cacdac, saludo ang taumbayan po sa inyong lahat diyan sa PDEA. Ang gagaling n’yo.

Paalala lang, bantayan po ninyo ang mga nakumpiska at baka may sira ulo diyan na mga ahente at pairailin ang “recycle system.”

***

Para sa inyong komento, suhestiyon at reklamo, magtext lang sa 09194212599

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …