Friday , December 27 2024

GSIS senior VP nag-sorry sa palpak na e-Card System

00 Bulabugin jerry yap jsyPERSONAL na ipinahatid pa ng isang Government Service and Insurance System (GSIS) official (vice president) — ang paghingi ng “SORRY” sa isang Airport police na ilang beses nagpabalik-balik sa kanilang tanggapan para kunin ang kanyang e-CARD.

Isang taon niyang hindi nakuha ang kanyang e-Card pero nang kanyang personal na puntahan ay ilang beses siyang pinabalik-balik hanggang sa bandang huli ay sabihin sa kanya na nasa Dipolog ang e-Card niya.

‘E talaga naman!

Doon na nag-alboroto ‘yung Airport police dahil malinaw nga naman na parang ‘lokohan’ na ‘yan.

Ayon kina Madam Dulce M. Jinahon, Division Chief NCR 2 3rd level Pasay at Mr. Dominador Z. Sanidad inutusan umano sila ni Senior Vice President para personal na ihatid ‘yung e-Card at humingi ng paumanhin sa nangyari sa kanya.

O sige, magpapasalamat po tayo kay Madam Jinahon at Mr. Sanidad ganoon din sa Senior Vice President na nag-utos sa kanila.

Salamat po. Pasensiya na rin kayo at naabala pa kayo sa personal na paghahatid ng nasabing e-Card.

Pwede naman pong puntahan nang personal ‘yan no’ng Airport police.

GSIS President and General manager Robert Vergara, salamat din sa effort na maipahatid sa Airport police ang kanyang e-Card.

Pero mayroon din po tayong gustong imungkahi sa inyo. Sana lang ay huwag kayong mahirati sa “carrot & stick” na estilo ng serbisyo.

Gagawa ng palpak na trabaho. Kapag nabanatan sa media, aayusin tapos palpak na naman.

Sana lang, kung aayusin, ayusin na ninyo nang tama at ituloy-tuloy na ninyo para sa lahat ng miyembro.

‘Yun lang po at maraming salamat.

APD HEADQUARTERS MAY ‘COMMISSARY’ NA?!

ANO ba itong naririnig natin na ang Airport Police Department (APD) headquarters umano ay parang isa nang ‘commissary.’

Noong una ay hindi natin maintindihan pero nang muling ikuwento sa inyong lingkod ng mga airport police ‘e talaga namang nagulat din tayo.

Ngayon lang daw nangyari sa kanilang headquarters na parang may sari-sari store ang isang opisyal diyan.

Kapag nagpunta raw ngayon sa APD headquarters, naglipana ang mga panindang medyas, t-shirt at uniporme ng Airport police.

Kumbaga, ang APD HQ ay isa nang one-stop shop commissary?!

Wala naman sigurong masama kung ang nasabing mga paninda ay sa ilalim ng isang kooperatiba na miyembro ang mga APD police.

Kaya lang ang balita natin, moonlighting umano, as in ‘raket’ ito ng isang opisyal ng APD.

Aba, APD chief ret. Gen. Jesus Gordon Descanzo Sir, kilala n’yo ba kung sino ang APD official na ginagawang ‘commissary’ ang headquarters ninyo?

By the way x-Gen. Descanzo, totoo rin po ba na binato ang salamin ng opisina ninyo?! Bakeeet!?

Paki-explain na nga po, APD chief Descanzo!

MPD-ANCAR ‘LUSAW’ SA HULIDAP

SALAMAT naman at tuluyan nang nilusaw ni Manila Police District (MPD) director C/Supt. Rolando Asuncion ang umano’y hulidap cops sa Anti-Carnapping Unit sa Maynila.

Matagal na nating naririnig ang iba’t ibang klaseng ‘raket’ kabilang na ang hulidap d’yan sa MPD-ANCAR sa mga nakaraang panahon.

Mayroon umanong repossessed units na ginagamit ng ilang pulis o opisyal ng pulis mismo.

Meron din umanong opisyal na ‘masipag’ mang-raid ng mga surplus shop hindi para supilin kundi para hakutin, pitsaan at sila naman ang magbenta.

Kapal mo talaga, boy bay-ag!

Bukayong-bukayo ka na sa mga raket mo!

Kaya naman natutuwa tayo nang mismong si Gen. Asuncion na ang umaksiyon at tuluyang sinibak ang pitong pulis kabilang na ang kanilang hepe na si S/Insp. Rommel Geneblazo.

Ang iba pang pulis na sinibak ay sina SPOs1 Michael Dingding, Gerry Rivera, Jay-An Pertubos, Jonathan Moreno, POs2 Renato Ochinang at Marvin de la Cruz.

Buti na lang at nagkalakas ng loob na magreklamo ang biktimang si Kamran Khan Dawood, 39, negosyante at taga-1806 Platinum 2000 Annapolis  St., San Juan City.

Agad ipinalit ni Gen. Asuncion si S/Insp. Francisco Vargas, bilang hepe ng ANCAR.

Base sa reklamo, dinala ‘yung mga biktima at lima pa niyang kasama ang kaibigan niyang si Hua Long Wu sa opisina ng Ancar at doon naganap ang takutan at pangongotong. Hiningan muna ng P300,000 hanggang bumaba sa P100,000.

At kahit nagbigay ng P100,000, kinuha pa rin daw ng ANCAR ang black Toyota Camry na may plakang XPN-274 dahil kinakailangan pa raw beripikahin ‘kuno.’

Tsk tsk tsk …

Sana’y tuloy-tuloy nang makasuhan ang mga ‘yan kapag nagpositibo sa imbestigasyon.

Ituloy mo ‘yan, Gen. Asuncion!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Atty Joji Alonso Lorna Tolentino Judy Anne Santos Chanda Romero Espantaho

Juday, Chanda, Lorna nagpatalbugan, ilang eksena sa Espantaho makapanindig balahibo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IBANG klase talaga itong si direk Chito Rono. Forte talaga niya …

Coco Martin Julia Montes Topakk

Coco hindi naitago pagkabilib kina Arjo at Julia, Topakk pang-internasyonal

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BILIB na bilib si Coco Martin kay Julia Montes kaya hindi ito napigilang sabihing, …

Offload

Offload direktor na si Rommel Ricafort, saludo sa husay ni Allen Dizon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang ginanap na special screening ng pelikulang Offload sa Gateway Cineplex, Cubao …

Chavit Singson 58 Days ng Milyong-Milyong Pa-Premyo

1-M views sa ikalimang  araw ng Chavit online game show

PUMALO na sa mahigit 1 milyon ang mga tagasubaybay ng ika-5 episode ng 58 Days ng …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *