Tuesday , December 24 2024

Gilas kontra Iran ngayon

081414 gilas Incheon 2014 Asian Games

PAGKATAPOS ng kanilang pahinga kahapon, balik-aksyon ang Gilas Pilipinas sa men’s basketball ng 17th Asian Games sa Incheon, Korea, mamaya kontra Iran.

Magsisimula sa ala-una ng hapon ang laro kung saan parehong pasok ang dalawang bansa sa quarterfinals.

Ngunit kung si Gilas coach Chot Reyes ang tatanungin, kailangan pa rin ng panalo ang Gilas para hindi sila mahirapan sa kanilang makakalaban sa quarterfinals.

Bukod pa rito, nais ni Reyes na gantihan ang pagkatalo ng Gilas kontra Iran, 85-71, sa finals ng FIBA Asia Championships noong isang taon na ginanap dito sa ating bansa.

Kagagaling ang Gilas sa 85-76 panalo kontra India noong isang araw kung saan nakalamang ang mga Pinoy sa pamamagitan ng 16-0 na ratsada sa unang quarter pa lang ng laro.

Nakabalik ang India sa mga huling minuto ng laro ngunit sinuwerte pa rin ang Gilas dahil napilay dahil sa sobrang pagod ang shooter ng India na si Singh Pratham, bukod sa kinapos ng oras ang mga Indian.

“We were lucky to have that good start,” wika ni Reyes. “But after going 16-0, India basically beat us the rest of the way. If they were a lot fresher and not playing their fourth game in four days, it would have been a much difficult time for us. We are happy to come out with this win. Hopefully, we continue to improve.”

Umaasa si Reyes na manghahalimaw sa ilalim si Marcus Douthit na gumawa ng 14 puntos kontra India.

Matatandaan na hindi naglaro si Douthit sa finals ng FIBA Asia dahil sa pilay sa paa nang tinalo ng Gilas ang South Korea sa semifinals kaya dinomina ni Hamed Haddadi ang ilalim para sa Iran.

Mapapanood ang laro ng Gilas at India nang live sa TV5 at may replay sa parehong istasyon sa alas-8 ng gabi. (James Ty III)\

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *