Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Good luck cures para sa job hunting

00 fengshui

ANG paghahanap ng bagong trabaho ay nakaka-stress, ano man ang iyong naging karanasan sa simula ng iyong professional career o ano man ang iyong na-established sa iyong larangan. Ang trabaho ay hindi lamang para kumita, kundi ito ay isa ring uri ng social inclusion o pagpapatibay ng talento at kakayahan ng isang indibidwal.

Maaari bang makatulong ang feng shui sa paghahanap ng trabaho? Trabaho na magpapasaya sa iyo at magiging kuntento ka sa iyong professional, emotional and financial needs? Oo naman. Ngunit dapat ding tandaan na ito ay tulong lamang at ikaw mismo ang maaaring magpatupad nito.

Ang pagsasabit ng chimes sa paligid ng bahay imbes na pagpapadala ng resumes o pakikipagkita sa tamang mga tao ay magiging pagsasayang lamang ng iyong mahalagang panahon. Ang feng shui ay dapat gamitin bilang dagdag na tulong lamang sa iyong pagsusumikap na makahanap ng trabaho.

Maraming feng shui cures na maaaring makatulong sa pagsusulong ng iyong career. Gayunman, ikaw mismo ang gaganap sa pinakamahirap na bahagi, ang pagbibigay ng kahulugan sa kung ano talaga ang nais mong maging hanapbuhay.

Ang isang feng shui cure na makatutulong sa iyong mabatid o maging malinaw ang iyong landas sa career, ay ang pagsasabit ng malaking mapa ng mundo sa North area ng inyong space.

Maaari ring mag-display ng mga tao na ang career and professional life ay maaaring maging inspirasyon mo, sa North area ng iyong Bagua. Ang North area ay konektado sa pagdaloy ng enerhiya sa iyong career life, na tinagurian din bilang Path in Life.

Pwede ring mag-display ng mga imaheng ito sa Northwest – ang Helpful People and Blessings feng shui area – na dapat ding maging aktibo kung magpapalit ng careers at maghahanap ng bagong trabaho.

Mag-display ng metal feng shui element art or items sa Northwest, ito man ay metal bell, o mahalagang larawan (career-wise) sa metal frame.

Ang water feature o mirror sa North ay mainam din, o magdagdag ng kulay na blue and black.

Habang pinalalakas ang Career area ng iyong Bagua (North), huwag kalimutang pagtuunan din ng pansin ang Money and Abundance area, (ang Southeast area ng inyong tahanan).

Alamin ang iyong Kua number at buhayin ang iyong personal direction for success. Pwede ka ring gumamit ng traditional feng shui good luck cures, kung maaari.

Tiyaking walang nakaharang sa front door, at hindi umapaaw ang laman ang iyong closets, mayroong open space sa ilalim ng iyong kama at minimum clutter lamang ang naroroon sa iyong tahahan, lalo nasa iyong bedroom.

At ang pinakamahalaga sa lahat, huwag magdududa na matatanggap ka sa trabahong iyong hinahangad. Palagi itong itanim sa iyong isipan at pangalagaan ang iyong sariling enerhiya sa pamamagitan ng pag-eehersisyo, pagkain nang wasto at paglalaan ng panahon sa good feng shui environment.

Panatilihin ang positibong attitude at tiyak na matatanggap ka sa trabaho na ikaw ay karapat-dapat. Maaaring mangyari ito sa hindi inaasahang paraan, kaya manatiling masaya at alerto.

ALAMIN ang iyong Kua number at buhayin ang iyong personal direction para sa tagumpay. Maaari kang gumamit ng traditional feng shui good luck cures, kung iyong nais.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …