Saturday , November 23 2024

DND kinastigo ng Kamara (Sa lumang war materials na binili sa Amerika)

092514 AFP DND

BINIRA ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbili ng mga luma at lipas nang mga kagamitang panggiyera sa ilalim ng Armed Forces Modernization.

Sa isinagawang plenary debate ng 2015 national budget, nabulgar ang P53.166 bilyong ini-release para sa phase-1 ng AFP Modernization Program  at ang karagdagan pang P5 bilyon noong nakaraang taon.

“To date the only notable purchases made by the AFP were the obsolete and decommissioned equipment mostly from the US, like the two (2) coast guard  Hamilton class cutters  and 22 vintage armed personnel carriers (APCs).  These were all in fact purchased by the AFP in violation of their own modernization law and now they are asking for an additional  P20 billion more,” banat ni Rep. Zarate.

Sinabi ng mambabatas, dapat papanagutin ang AFP sa palpak na pagbili ng mga kagamitang pangdigma at dapat na siyasating maigi ng Kongreso ang naturang programa.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *