UPANG muling maging normal ang kanyang mata makaraan mapinsala sa aksidente noong siya ay bata pa, nagpalagay ng tattoo sa kanyang eyeball ang isang New York man. (ORANGE QUIRKY NEWS)
NAGPALAGAY ng tattoo sa kanyang eyeball ang isang New York man na dumanas ng pinsala sa kanyang mata noong siya ay bata pa.
Ang ‘extremely rare procedure’ na hindi maaari sa karaniwang mga tao, ay isinagawa habang gising ang pasyente.
Si William Watson, 58, ay tinamaan ng bola noong siya ay bata pa, na nagresulta sa pagiging puti at maulap ng kanyang kaliwang iris.
Bunsod nito, palagi siyang napapansin ng mga tao kaya nagdesisyon siyang magpalagay ng tattoo sa napinsalang mata upang magmukha itong normal.
Ang proseso ay sinagawa nina Dr. Emil Chynn ng Park Ave SafeSight, at CJ Pento, tattoo artist mula sa Red Legged Devils tattoo shop sa Brooklyn, New York.
Bago ang operasyon, sinabi ni Mr. Watson: “It will be a big change. I wont have the scar tissue no more and I’ll be able to look people in the eye without people saying too much about it.”
Isinagawa ni Dr. Chynn ang actual tattooing habang si Pento ang naghalo ng mga kulay at tumulong sa proseso.
Upang matiyak na maayos ang proseso, nagsanay muna ang dalawa ng pupil tattooing manoeuvres sa ubas.
Si Mr. Watson, binigyan ng anaesthetic, ay tinurukan ng coloured ink at ikinalat sa pupil sa pamamagitan ng swab.
“It felt like someone was rubbing it – that’s about it. It went smoothly, no nothing what so ever. It was nice,” aniya makaraan ang operasyon.
“I can’t believe how much better I look on the outside and how much better I feel inside.
“Dr. Chynn gave me a way to normality I didn’t even know existed six months ago. I feel much more confidence in myself.” (ORANGE QUIRKY NEWS)