Sunday , November 17 2024

Untouchable prosti-club sa Pasay City

00 firing line robert roque

MAY mga establisimi-yento na parang walang kinatatakutan at patuloy na namama-yagpag kahit ni-raid at ipinasara na ng mga awtoridad bunga ng prostitusyon.

Noong Agosto ay sinalakay ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) ang Miss Universal (MU) Disco sa F.B. Harrison Street sa panulukan ng Libertad Street sa Pasay City.

Batay sa sources ay ni-raid ng NBI ang club at iniligtas ang dalawang menor de edad na babae na nagtatrabaho rito. Dahil dito ay nakulong nang walang piyansa ang babaing tumata-yong OIC at floor manager ng club na kilala sa pangalang “Cielo.”

Pero kahit nakapiit ay si Cielo pa rin umano ang kumokontrol sa pagpapatakbo ng Miss Universal, na patuloy na dinarayo ng mga Pinoy at dayuhang parokyano.

Bakit nae-engganyo ang mga kostumer na magpabalik-balik sa MU?

Bukod sa tumatanggap sila ng mga dala-ginding bilang dancers at GROs ay kilala ang MU sa pagpapalabas ng mga babaing hubo’t hubad na nagsasayaw. May mga babae rin silang game sa sex sa loob ng VIP rooms at puwedeng i-bar fine at bayaran para sa panandaliang aliw.

Sa kabila ng raid ng NBI, bakit patuloy ang MU sa pag-o-operate at pag-aalok ng ‘kasiya-han’ sa kanilang mga parokyano? Mukhang totoo nga ang sabi-sabi na wala raw takot ang MU dahil malakas sila sa Pasay City Hall, Pasay City Police, sa korte at pati na sa ibang mga ahensya.

Noong Mayo 2011 ay ni-raid din ng NBI ang Miss Universal at naaresto ang floor manager, supervisor at ibang empleyado ng club. Na-rescue nila ang 20 babae at nakompirma na 17 sa kanila ay menor de edad. Ayon sa mga nailigtas na dalagita ay nagtatanghal sila ng malalaswang palabas at binabayaran kapalit ng “sexual acti-vities.” Bunga nito ay ipinag-utos ng Department of Labor and Employment (DoLE) noong Hunyo 2011 ang permanent closure ng MU. Paano ito nakabalik at muling nakapag-operate? Kahit gabi-gabi mag-raid ang NBI ay balewala kung patuloy rin itong makapagbubukas.

Ang MU ay ilang daang metro lamang ang layo sa city hall at police headquarters pero bakit ang NBI pa, at hindi ang Pasay City Police, ang umaksyon sa mga ilegal na aktibidad na kinasangkutan ng club?

Bukod sa NBI ay dapat kumilos din ang Southern Police District (SPD), National Capital Region Police Office (NCRPO), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang hindi mapaghinalaang ‘nakikinabang’ kayo sa MU, lalo na ngayong mainit ang mata ng publiko sa pulis.

Tiyaking walang kalaswaan, prostitusyon o ibang nilalabag na batas sa loob ng club.

Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng MU ay hindi maiiwasan na may mag-isip at magduda kung kanino talaga ito nakasandal.

Sino nga kaya ang maimpluwensyang protektor ng club kaya wala silang kinatatakutan?

Ano ang ginagawa ng mga anti-human trafficking task force ng gobyerno?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *