Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Pag ‘di ka Lucky Pick, tablado sa COMELEC?

00 aksyon almar

SA tuwing natatapos ang isang halalan, marami tayong naririnig na kandidatong nagsasabing nadaya raw sila kaya sila’y natalo.

Nakasasawang pakinggang ang dialogo. Sa tuwing naririnig ko rin ito ay natatawa na lamang tayo kasabay nang pagsabing hindi lang matanggap ng mga kandidato ang pagkatalo.

Pero ang ilan pala ay totoong nadaya sila, lamang, ayaw na nilang maghain ng protesta sa COMELEC sa dahilan walang mangyayari o kung mayroon man ay siyam-siyam ang aabutin ng protesta rito o ang pagbibilang uli.

Madalas ngang nangyayari, tapos na ang termino ng nanalo sa pandaraya at saka lamang lalabas ang resulta sa COMELEC. Resulta na nagsasabing apanalo iyong nagprotestang kandidato habang ang sinasabing nanalo ay tapos na ang termino at makatatakbo na uli.

Ganoon kakupad ang COMELEC kaya marami sa totoong nanalo na nadaya (kaya sila ay natlo) ay ayaw nang maghain ng protesta sa ahensiya.

Isang halimbawa ng kakuparan ng COMELEC, ang protesta mula sa Aliaga, Nueva Ecija.

Sa desisyon ng isang korte sa lalawigan, ang kandidatong si Reynaldo Ordanes ang nanalo bilang Alkalde ng Aliaga.

Nagprotesta si Ordanes laban kay Aliaga Mayor Elizabeth Vargas na nanalo ng 64 boto noong 2013 pero matapos ang mahabang pagdinig at muling pagbilang sa mga boto, lumabas na si Ordanes pala ang lamang ng 10 boto. So, siya ang panalo o dapat na maging alkalde ng Aliaga? Ganoon ba iyon? Hindi raw ganoon kabilis ‘yon lalo na kapag hindi ka LP. He he he…

Nito pang Hunyo lumabas ang desisyon pero hanggang ngayon ay wala pang nangyayari. Bakit? Ganito raw iyon. Makaraan ang desisyon ng korte ay isasalang sa En Banc ng COMELEC para sa apela ng natalo. Patay! Tiyak na walang mangyayari o mabuburo rito ang desisyon ng korte lalo na sa panahon ngayon, kung hindi ka kaalyado ng Liberal Party. He he he…gaya ni Ordanes na kabilang sa Nationalist People’s Coalition.

Ayon sa isang info, si Vargas ay mula sa kampo ni PNoy – ang Liberal Party. Sino ba ang nagpaupo kay Comelec Chairman Sixto Brillantes sa ahensya? Si PNoy lang naman daw. Ayos, kaya naman pala binuburo ang daing ni Ordanes. Ganun ba ‘yon? Hindi naman kundi marami lang ang nauna. ‘Di ba Mr. Brillantes?

Tsk tsk tsk…basta isa lang sa nakikita kong dahilan ng pagkaburo ng protesta ni Ordanes sa COMELEC ay isang malaking kasalanan ang hindi pagiging LP niya.

Oo mahirap yata ang hindi maging LP ngayon.

Isa pang magandang patunay diyan – hayun, ang nakalulungkot na sinapit ni Laguna Gov. ER Ejercito. Hindi siya isang LP kaya, mas mabilis pa sa kidlat ang pagpapalabas ng COMELEC sa desisyon ng protesta laban sa kanya.

Ops, akala ko makupad ang COMELEC, hindi naman pala. Oo mabilis ang Comelec kapag…habang makupad naman ang COMELEC kapag hindi ka isang Lucky Pick.

* * *

Para sa inyong suhestiyon, komento, reklamo at panig, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …