Thursday , December 26 2024

MMDA chair Francis Tolentino genuine asset ng PNoy admin

00 Bulabugin jerry yap jsyISA sa mga maipagmamalaki ng PNoy administration si Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) Chairman, Francis Tolentino.

Narito ang isang opisyal ng PNoy admin na hindi overacting at lalong hindi plastic sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Genuine hands-on sa kanyang pagiging chairman ng MMDA, hindi ‘yung pang-photo ops lang (pasintabi sa tatamaan ng hagkis ng ating dila).

Nito lang nakaraang Huwebes at Biyernes (kasagsagan ng bagyong Mario), ang aga niya sa kalye. Talagang tinitiyak niya na personal niyang masusubaybayan ang implementasyon ng kanilang contingency plan sakaling tumaas ang tubig sa mga pangunahing kalye sa Metro Manila.

Pero paglilinaw lang, hindi lang dahil may bagyo kaya naroon si Chairman Tolentino. Kahit walang bagyo ay ilang beses na rin natin siyang natitiyempohan na nagmo-monitor ng daloy ng mga sasakyan lalo sa mga lugar na talagang grabe ang bottleneck.

Kaya kung ating papansinin, konting-konti ang casualty natin ngayon sa bagyong Mario.

Nalungkot nga lang tayo doon sa estudyanteng nakoryente sa Gate 1 ng University of Sto. Tomas (UST). At nag-aalala rin dahil isa sa aking mga pamangkin ay d’yan nag-aaral at nagdo-dorm sa area na ‘yan.

Paging UST administration pati na rin po ‘yung ibang eskwelahan sa University Belt, aba i-check ninyo ang mga kable ng koryente ninyo. Pakiusap lang po. Maawa kayo sa mga magulang na kandakuba sa pagpapaaral ng kanilang mga anak.

Back to Chairman Tolentino, talagang isa siya sa mga hardworking na PNoy’s asset na hindi drawing kung magserbisyo sa publiko.

Hindi gaya ng iba riyan, na nakapaglabas na ng advisory para sa mga estudyante at mga empleyado ang lahat ng alkalde pero natutulog pa rin at humuhilik pa yata pati p’wet.

(Ooppss, bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit).

Keep up the good work, Chairman Tolentino!

SENATOR GRACE POE NAIMBIYERNA NA KAY PNP CHIEF DG ALAN PURISIMA

ABA mukhang hinahamon ni Philippine National Police (PNP) chief DG Alan Purisima si Senator Grace Poe nang hindi niya harapin ang publiko maging ang ilang imbestigasyon kaugnay ng mga eskandalo at kontrobersiya na iniuugnay sa kanya.

Inihayag ito ni Senator Poe sa kanyang speech sa 2014 Integrity Summit at ginawa niyang halimbawa ang pinuno ng PNP.

Kabilang kasi sa mga inisnab ni Purisima ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs na nag-iimbestiga sa pagkakasangkot ng mga kawani ng PNP sa mga illegal na gawain tulad ng kidnapping, drugs at iba pa.

Dumami rin ang mga pulis na mismong operator na ng jueteng.

Bigo rin umano si Purisima na tugunan ang panukala ni Poe na emergency hotline katulad ng 911 sa Estados Unidos, bilang agarang tugon sa mga kababayang nakararanas ng ano mang uri ng krimen at sakuna.

Ang ipinagtataka lang natin, sa kabila ng mga kabiguang ito bakit patuloy na ipinagtatanggol ng tatlong kolokoy na sina Secretaries Herminio “Sonny” Coloma, Jr., Edwin Lacierda at lady spokesperson Abigail Valte si PNP chief?

Gusto na tuloy natin maniwala na iba ang ‘mahika’ ni PNP chief Alan Purisima kay Pangulong Noynoy.

Kung hindi haharapin ni PNP chief Purisima ang mga eskandalo at kontrobersiyang ikinakabit sa kanya, aba e hindi na tayo magtataka kung bakit ganyan ang nangyayari ngayon sa PNP.

Hindi ba’t may kasabihang, “Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga,” at “Hindi pwedeng mamunga ng Santol ang Mangga.”

Ano sa palagay ninyo mga suki?!

BELATED HAPPY BIRTHDAY ATTY. ABDULLAH MANGOTARA
(KINABIBILIBAN NG MGA TAGA-BUREAU OF IMMIGRATION)

WALA na yata tayong nakilalang napaka-low profile na Associate Commissioner kung hindi si Atty. Abdullah Mangotara.

Sa totoo lang, si AssComm. Mangotara ay itinalaga ni Pangulong Noynoy sa Bureau noong Mayo 2011 pa.

Walang nakakikilala sa kanya na mga outsider dahil nga sa kanyang katangian na napakatahimik magtrabaho.

Pero kung ‘yung mga taga-Immigration ang tatanungin natin … hindi lang kilala si AssComm. Mangotara kundi marami pang maririnig na positibong bagay tungkol sa kanya.

Si AssComm. Mangotara po kasi ay napaka-mild mannered. Pero kahit na tahimik at hindi palakibo, walang naiilang sa kanya na lumapit at makipag-usap.

(Hindi gaya ng isang opisyal diyan na may ‘attitude’ at laging nakasimangot mula nang umangat sa pwesto?!)

Kasi, kahit nga lagi siyang tahimik at trabaho nang trabaho lang, napaka-approachable naman niya sa BI rank and file employees.

Hindi siya magdadalawang-isip na kausapin ang mga taong nais makipag-usap sa kanya lalo na ‘yung mga humihingi ng advice o tulong.

Ibig sabihin po, sanay na sanay makipag-usap si AssComm. Mangotara sa mga tao lalo na sa mga ordinaryong mamamayan dahil dati po siyang congressman.

Dalawang termino po kasi niyang kinatawan ang Lanao del Norte 2nd District noong 1998 at 2001 sa House of Representatives.

‘Yan din ang dahilan, kung bakit, mula nang italaga siya ng Pangulo sa Bureau of Immigration ay walang naririnig na ano mang reklamo laban sa kanya.

Kaya naman hindi na tayo nagtataka kung bakit maraming taga-Immigration ang malaki ang respeto at bilib na bilib kay AssComm. Mangotara …

Asscomm. Mangotara, isang maligayang pagbati po sa iyong kaarawan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *