MAY pangambang iniisip ang mga grounded customs collector sa Customs Policy Research Office (CPRO) na malapit nang ‘palayain’ sa kabila ng balita na kakasuhan ng graft or plunder ang iba sa kanila.
Ang balita natin sa Setyembre 29 na ang labas ng ilang grounded collector matapos na sila ay i-transfer sa CPRO sa Department of Finance, may isang taon na ngayon.
Hindi natin alam kung ito ay sa bisa ng Civil Service law na hindi pwedeng i-detail ang isang government employee nang mahigit isang taon at hindi rin pwedeng indefinite ang detail. Tingnan natin kung gaano katigas ang batas na ito ng Civil Service law. Sige nga, CSC chair Francisco Dueue, Jr., na isang doctor at dating cabinet office (D0H Secretary) ni GMA.
Matapos mai-transfer ang mga collector at ilang director, mahigit 50 silang lahat, one year na ngayon, sila ay pansamantalang pinalitan ng mga appointee ni Secretary Cesar Purisima na mga retiradong military mula sa armed forces. Marahil sa dami ng mga military and PNP officers na inireretiro sa edad na 56 (compulsory), hindi naman siguro everywhere sila pamahalaan? Pero kung ang CSC law ang susundin, isang taon lang ang deadline ng designation or detail order. Kailangan may mapahintulot sila mula sa CSC. What are they in power for?
Ang pangambang may nakaambang graft or plunder case sa mga collector na nandoon sa CPRO ay labis gumugulo sa kanila.
Bakit nga naman matapos na i-transfer sa CPRO at palitan ng mga hindi career officers na pawang mga temporary in nature lang and designation order, ay biglang may ‘Sword of Damocles’ sa mga ulo nila?
Isipin na lang pawang mga walang experience and background ang mga pumalit sa mga career na collector who enjoy a security of tenure, tapos ang pabaon sa kanilang pag-alis sa CPRO ay pangamba ng graft and plunder?
Kaya hayun, may balita tayo na plano nang mag-early retirement ang ilan sa kanila. Kung susundin ang Finance Memo na “Return to Mother Unit” dapat sana ay balik sa dating puwesto iyong iisyuhan ng order sa Setyembre 29. Sundin naman kaya ito? Kung wala namang nagawa ang mga collector na akala nila ay constitute graft or plunder sa buong panunungkulan nila hindi sila dapat matakot.
After they keeping skeletons in their closet? Abanga natin.
Arnold Atadero