Thursday , November 14 2024

Lifestyle check sa pamilya Binay iginiit

092114_FRONT

HINAMON ngayon ng mga residente ng Makati si Vice President Jejomar Binay at ang mga miyembro ng pamilya nila na sumailalim sa “lifestyle check” para patunayan na hindi sila sangkot sa pagnagnakaw sa kaban ng bayan.

Ayon kay Atty. Bondal, convenor ng United Makati Against Corruption (UMAC), kailangan ipaliwanag ng pamilya Binay kung saan nanggaling ang kayamanan nila gayong umaasa lamang sila sa suweldo nila bilang lingkod bayan.

“Duda ako kung papayag si Vice President at ang kanyang pamilya na sumailalim sa lifestyle check. Hindi kasi tutugma ang suweldo nila sa dami ng ari-arian at kayamanan nila ngayon,” ani Bondal.

Isa si Bondal sa mga residente ng Makati na nagsampa ng kasong plunder sa Ombudsman laban kay Vice President Binay, Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay at ibang opisyales ng Makati kaugnay ng overpricing sa Makati Parking Building.

Ayon kay Bondal, inamin ni Vice President Binay sa talumpati kahapon na lumaki siya sa hirap matapos na maulila sa murang edad.

“Hindi kasalanan ang lumaki sa hirap. Ang kasalanan, gamitin ang kapangyarihan bilang Mayor para yumaman,” ani Bondal.

“Hindi na puwedeng sabihin ni Vice President Binay na kakampi siya ng mahihirap. Hindi na siya mahirap ngayon at sangkatutak na ang ari-arian niya,” dagdag ni Bondal.

Kung sasailalim si Vice President Binay at kanyang pamilya sa lifestyle check, tiyak umano na hindi makapapasa dahil hindi nila maipaliliwanag kung saan nanggaling ang kanilang kayamanan.

“Kailangan nilang ilabas ang SALN (Statement of Assets and Liabilities) ng buong pamilya at ipaliwanag kung paano sila nakapagpundar ng maraming ari-arian mula sa suweldo sa gobyerno,” ani Bondal.

Hindi lamang si Vice President Binay ang naglilingkod sa gobyerno ngayon. Nakaupong Senador ang kanyang anak na si Nancy, Mayor ng Makati ang kanyang anak na si Junjun at Congresswoman ang anak na si Abigael. Naglingkod din bilang Mayor ng Makati ang kanyang asawang si Dr. Elenita Binay.

Sinabi ni Bondal hawak nila ngayon ang mga SALN ni Vice President Binay gayondin ang listahan ng ilang ari-arian.

“Partial pa lamang ang listahan ng ari-arian niya dahil umaasa lamang kami sa mga ibinibigay ng mga tipster na sawang-sawa na sa katiwaliang nangyayari sa Makati,” paliwanag ni Bondal.

“Ilalabas namin ang lahat ng mga dokumentong ito sa takdang panahon at sigurado kami na magiging ebidensya ang mga ito para patunayan ang kaugnayan ng pamilya Binay sa katiwalian,” dagdag ng abogado.

Umaasa si Bondal na isasampa ng Ombudsman ang kasong plunder sa korte laban kay Vice President Binay batay sa dami ng dokumento at testimonya ng mga testigo laban sa nasabing opisyal.

“Tiwala kami na isasampa ng Ombudsman ang kasong plunder pero tulungan ninyo kaming manalangin na mangyari ito sa lalong madaling panahon,” aniya.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *