Saturday , November 23 2024

Overhaul sa MRT — Solon (Bakit maintenance?)

091914_FRONT
081614 MRT MMDA
TINULIGSA ng isang mambabatas kahapon ang Department of Transportation and Communication (DOTC) at ang Metro Rail Transit Corporation (MRTC) dahil sa umiinit na “word war” na namamagitan sa kanila sa gitna ng paghihirap sa biyahe ng 500,000 mananakay sa MRT araw-araw.

“Imbes maghanap ng sousyon sa patong-patong na problema sa MRT, mukhang mas nakatuon ngayon ang DOTC at ang MRTC sa pagtitiyak na isa sa kanila ang mananagot sa sigalot na nangyayari ngayon sa MRT,” daing ni COOP-NATCCO Rep. Anthony Bravo, na kamakailan ay nanawagan sa DOTC na resolbahin ang mga isyung legal sa nasabing sistema ng transportasyon.

Ang NATCCO ay isa sa pinakamalaking samahan ng mga kooperatiba sa bansa. Binubuo ito ng 2.17 milyong kasaping indibidwal mula sa 612 kooperatiba sa mga kanayunan at mga lungsod.

Ito ang reaksyon ni Bravo sa lumalalang sagutan sa pagitan ng DOTC at ng  MRTC, na nagsipagpatutsadahan laban sa isa’t isa dahil sa pagkakaantala sa pagbili ng dagdag na tren para sa 15 taon nang MRT-3.

Isinisi ng DOTC sa MRTC ang kabiguan ng huli na magkaroon ng bagong mga tren upang i-”upgrade” ang MRT, ganoon din sa pagsampa ng MRTC ng habla upang pigilan ang gobyerno sa pagbili nito ng mga bagong bagon para sa nasabing linya ng MRT.

Ayon sa MRTC, nagsumite umano ng panukala o “proposals” sa pamahalaan hinggil sa pagbili ng mga bagong bagon pero hindi naman umano inaksyonan ng DOTC.

“Ang mga nagco-commute ang biktima ng away nila. Mga myembro namin, araw-araw nagrereklamo tungkol sa MRT. Araw-araw sila nagtatanong, wala bang magagawa ang gobyerno?” tanong ni Bravo.

Bukod sa masamang serbisyo sa mananakay ayon kay Bravo, umabot pa umano sa puntong maging ang reputasyon ng lokal na kompanyang Global APT na namamahala sa pagmamantine ng MRT ay siniraan sa publiko dahil sa mga hakbang ng mga nasabing ahensya na “ibaling ang sisi” sa lumalalang kalagayan ng MRT.

“Sa pagsambulat ng isyu sa lumalang kalagayan ng mga tren, agad nilang itinuro ang mga kompanyang nagmamantine sa MRT at nagmadali nilang tinuran na wala naman daw naging problema noong Sumitomo pa ang may hawak sa maintenance ng linya. Syempre walang problema, bago pa ang tren e,” paliwanag ni Bravo.

“Napakadali ang agarang magturo at sisihin ang maintenance, pero matapos ang masusing pagsusuri sa problemang ito, nalaman natin na hindi lamang mas mura ang serbisyong ibinibigay ng Global APT kaysa mga naunang ‘maintenance contractors,’ mas mahusay din nitong ginagampanan ang kanilang obligasyon kahit na mas luma na ang mga tren na ilang taon nang pinakakarga nang higit sa kakayahan nito,” ayon kay Bravo.

Ibinunyag din ng mambabatas na ayon sa datos ng DOTC, mas maraming tren ang tumatakbo ngayon sa MRT sa ilalim ng pag-aalaga ng maintenance provider na Global APT.

Nasa 60.6 ang tumatakbong tren ngayong taon bawat kasagsagan ng operasyon kada araw. Noong PH Trams pa ang nagmamantine ng MRT (taong 2013), ito ay nasa mas mababang bilang na 59.2 lamang. Noong 2012 at 2011 naman, nang ang MRT ay minamantine pa ng TESP-Sumitomo, 59.5 at 57.4 na tren lamang ang tumatakbo sa kasagsagan ng biyahe araw-araw.

“Ito ang mga dapat na inaatupag na problema ng DOTC at ng MRTC. Sabi ng DOTC, nais nitong bilhin o i-‘buy out’ ang MRTC ngunit hindi naman umano nakikipag-usap ang ahensya sa MRTC hinggil dito. Dapat na mabatid ng mga nag-aawayang grupo na mas makakabuti para sa lahat kung agad nilang mapag-usapan at maiayos ang gusot imbes atupagin ang pagsisisihan.”

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *