BINAWIAN ng buhay ang 16-anyos katutubong Tagbanua sa Narra, Palawan makaraan barilin nang mapagkalaman na isang unggoy.
Kinilala ang biktimang si Bernard Bacaltos habang ang suspek ay si Normando Bungkas, 42-anyos.
Batay sa imbestigasyon ng Narra PNP, dakong 4 p.m. nang magkasamang nangaso ang biktima at ang suspek.
Ilang sandali pa, nakarinig ng kaluskos ang suspek sa hindi kalayuang lugar.
Sa pag-aakalang unggoy ang nakita, agad siyang nagpaputok ng baril sa lugar kung saan nakapwesto pala ang biktima.
Agad sumuko sa barangay official ang suspek.
(BETH JULIAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com