Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karapatan ni Ai Ai na ma-in-luv kahit mas bata sa kanya

091614 gerald aiai delas alas

ni Vir Gonzales

MARAMI ang nagulat noong mabulgar na 20-year old lamang ang boyfriend ni Ai-Ai dela Alas, na isang kabataang mahilig sa badminton. Thirthy years ang agwat ng binatang taga-La Salle kay Ai-Ai. Manager pala si Ai-Ai ng isang badminton group.

May nagtatanong, hindi kaya parte ng isang gimmik ang pagkakagustuhan ng dalawa, dahil model si Ai-Ai ng isang produktong parang nagbabalik birhen ang isang katulad niyang 49-years old?

Anyway, ang mahalaga, na-inlove na naman ang komedyana at karapatan niya ito.

RITA’S THE INVISIBLE WINGS, ILULUNSAD NA

SA September 20, nakatakdang magakaroon ng book signing ang actress na si Rita Avila sa SMX. Ikatatlong libro na itong ginawa ni Rita na may titulong The Invisible Wings, tampok ang mga pamosong manika niya sina Mimay, Popoy, at Pony na gustong maging mga anghel sa lupa.

Birthday ni Rita sa Sept. 20 at mamimigay ng cup cakes sa naturang book signing sa mauunang bumili ng book from St. Pauls. Ang proceeds ng kikitain ay ibibigay niya sa orphanage.

Napakagandang misyon na makatulong at makapagbigay kasiyahan sa mga nangangailangan ang gagawing ito ni Rita.

Noong mag-guest si Rita sa Ryza Mae Show, ipinakilala ni Rita sina Mimay at Popoy kay Aleng maliit at ganoon na lang ang tuwa nito. Palibhasa’y bata, appreciated niya mga doll ni Rita.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …