Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Ibabaw ng Lahat… Pag-ibig (Part 8)

00 ibabaw pagibig

NATAGPUAN NI LEO ANG BAHAY NINA GIA

Idinahilan na ide-deliver niya ang painting kaya hiningi niya ang address ng dalaga. Hindi naman ipinagdamot ng sekyu ang lugar na inuuwian nito. At ‘di naman iyon kalayuan mula roon.

Mabilisan niyang pinaarangakada ang minamanehong kotse. Ilang minuto lang siyang nagbiyahe at natunton na agad niya ang tirahan ng pamilya ni Gia. Maliit at lumang bahay ang kinatok niya. Pamaya-maya’y pinagbuksan siya ng pinto ng isang babae.

“Sino’ng hanap mo?” bungad nito na iniharang ang sarili sa iniawang na pintuan.

Nagbigay-galang muna siya sa pagbati ng “Magandang gabi po” sa babae na magsising-kwenta na marahil ang edad.

“S-si Gia po…” aniya sa pagbabantulot.

Napansin niya ang pag-asim ng mukha ng kanyang kaharap.

“Sino ka?” anito sa magaspang na tono.

Dali-daling ipinakita ng binata ang dala-dalang larawan ng dalaga.

“Kaibigan po ako ni Gia…” sabi niya sa pagpipresinta ng painting sa babae na mapanuri ang malilikot na mga mata.

“Gia…” ang isinigaw nito sa paglingon sa sala ng kabahayan.

“Bakit po, Mommy?” ang sagot ng dalagang tinawag sa pangalan.

Tama ang hula ni Leo na nanay nga ni Gia ang kaharap niya.

“Pumarine ka…” utos ng ina sa anak na da-laga. “May bisita ka.”

Nasorpresa si Gia sa biglaan niyang pagsulpot. Natigilan sa kinatatayuan. Siya ang humakbang papasok sa sala ng bahay. Iniabot niya ang dala-dalang painting na tinanggap naman nito, nakamulagat pa rin ang mga mata at nagmistulang isang pipi.

“Magustuhan mo sana ‘yan…” basag niya sa katahimikan.

Mahinang tango ang isinagot sa kanya ng dalaga. Kahit pabalat-bungang pagpapasalamat ay wala. At ni hindi man lang nito pinag-ukulan nang totohanang pansin ang kanyang trabaho na pinagpuyatan niya sa magdamag. Nanlumo siya. ‘Di lamang nasugatan ang kanyang damdamin, kundi pag-insulto na rin iyon sa tulad niyang isang artist.

Nailang siya sa malakas na pag-ehem-ehem ng nanay ni Gia. Nasakyan agad niya ang kahulugan niyon sa naging reaksiyon ng dalaga.

(Itutuloy

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …