ANG dragon ay traditional Chinese Symbol ng paglago, proteksyon, katatagan, kasaganaan, kalusugan at bagong panimula.
MAYROONG iba’t ibang uri ng Chinese dragon na yari sa high quality bronze, jade at mammoth ivory. Mayroon ding incense burner, boxes, plate and vases.
Ang Chinese Dragon ay simbolo ng nakamamanghang kapangyarihan at katalinuhan. Ito ay simbolo ng divine protection. Tinagurian ito bilang Supreme Being sa lahat ng creature sa mga templo at dambana na itinatag para sila ay sambahin.
Kinokontrol ng Chinese Dragons ang ulan, mga ilog, lawa, at karagatan. Bilang divine mythical animal, nakapagtataboy ang Dragon ng gumagalang evil spirits, pinoprotektahan ang mga inosente, at tinitiyak ang kaligtasan ng lahat.
Ang Chinese Dragons ay itinuturing din bilang ultimate symbol ng Good Fortune. Ito ay may kakayahang manirahan sa mga karagatan, kayang liparin ang kalangitan at iniikid ang sarili sa lupa sa porma ng mga bundok.
Maraming Chinese cities ang mayroon pagodas na nagsisindi ang mga tao ng incense at nagdarasal sa mga dragon.
Ang Chinese Dragons ay may kasamang pearl of wisdom, maaaring kanyang hinahabol, o kagat ito sa kanyang bibig, nasa ilalim ng kanyang baba (chin), o hawak ng kanyang claws. Ang kumikinang na perlas ang sinasabing pinagmumulan ng kanyang supernatural powers, kaya naman mahigpit itong pinoprotektahan ng dragon.
Ang perlas ay tinagurian din bilang imahe ng kulog, ng buwan, o araw, o egg emblem ng dual influences ng kalikasan, at ‘pearl of potentiality.’