Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy Mendiola, enjoy sa hosting ng UAAP Cheerdance

090314 jessy mendiola

ni James Ty III

NATUWA ang Kapamilya star na si Jessy Mendiola sa kanyang karanasan bilang co-host ng UAAP Cheerdance Competition noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang beses para kay Jessy na mag-host ng ganitong klaseng kompetisyon na humahataw sa pagsasayaw ang mga estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan.

Katunayan, inamin ni Jessy na mas ninerbiyos siya noong Linggo kaysa kanyang unang pagsabak sa hosting sa cheerdance noong 2012.

“Noong first time ko sa cheerdance, it was my first time na maging host ako,” say ni Jessy sa amin sa dressing room ng ABS-CBN Sports. ”Pero second time ko, it was fun.”

Idinagdag ni Jessy na walang kaibahan ang ikalawang pagsabak sa pag-host ng cheerdance sa kanyang unang ginawa noong 2012.

“Pareho kasing energy at intensity ang mga student na sumasali sa cheerdance noon at ngayon,” dagdag ni Jessy. “Honestly, kinakabahan talaga ako tulad nila dahil ang daring nilang mag-stunt.”

Nagpasalamat si Jessy sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN Sports na patunay na kaya niyang maging host ng isang malaking sports event tulad ng UAAP Cheerdance.

“Mas nakakanerbiyos ito kaysa pagsasayaw ko sa ASAP,” pabirong sabi ng aktres.

Samantala, puspusan ngayon ang shooting ni Jessy sa bago niyang movie na The Trial ng Star Cinema kasama sina John Lloyd Cruz, Richard Gomez, at Gretchen Barretto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …