Thursday , December 26 2024

Isyung legal sa MRT harapin — Bravo

091714_FRONT

Isang kasapi ng Mababang Kapulungan ang dumagdag sa lumulobong panawagan para sa isang mabilisang aksyong legal ng Depaetment of Transportation and Communications (DOTC) laban sa operator ng namumroblema ngayong MRT dahil “ito ang unang hakbang” sa paglulutas sa maraming susapin sa nasabing pampublikong transportasyon.

“Dalawang linggo na ang lumipas mula nang buksan ng Senado ang paningin ng publiko sa patung-patong na isyu sa MRT pero wala tayong napapala kahit ‘update’ man lang mula sa DOTC hinggil sa kanilang balak na habla laban sa MRTC (Metro Rail Transit Corporation) dahil sa paglabag nito sa kasunduan,” ayon kay COOP-NATCCO Rep. Anthony Bravo.

Matatandaang nasadlak sa pagtatanong ng mga Senador ang mga opisyal ng DOTC sa pagdinig ng Senate Public Services Sub-committee on Transportation noong Setyembre 1 kung saan ibinunyag ni Sen. Francis Joseph “Chiz” Escudero ang paglabag ng MRTC sa kanilang mga obligasyon sa loob ng labing-isang taon dahil sa kabiguan ng MRTC na magdagdag ng mga bagong bagon sa MRT.

“Gaano pa katagal ninyong pag-aaralan ang bagay na ito bago tuluyang mai-file ang kaso laban sa kanila,” tanong ni Escudero sa nasabing pagdinig.

“May plano ba talaga kayong ihabla ang MRTC? Bakit pinapayagan ninyong sila lang ang nagsasampa ng kaliwa’t kanang TRO laban sa gobyerno samantalang napakalinaw namang sila ang may paglabag sa kontrata? Sampung taon nilang binalewala ang obligasyong ito. Bakit hindi man lang hinabla ang mga ito para mapilitang tuparin ang kanilang mga obligasyon o kung hindi naman, bakit hindi tinerminate ang kontrata? Bakit tayo pa ang nasasadlak sa ganito samantalang sila ang may pananagutan sa usaping ito,” paliwanag ng Senador.

Bilang tugon, sinagot ito ni DOTC Undersecretary Jose Perpetuo Lotilla sa pagsasabing ang paghahabla sa MRTC ay pinag-aaralan pa at “ito ang direksyong tinatahak” ng DOTC.

Nagpahayag din si Lotilla na ang kabiguan ng MRTC sa pagmamantine ng sistema ay maliwanag na “breach of obligation” sa ilalim ng kontrata. Ang mga tren ng MRT, na huling naisailalim sa overhaul noong 2006, ay dapat nang i-overhaul ngayong taon ayon kay Lotilla bilang pagtupad sa walong taong “cycle” nito. “25 years na nagbabayad ang gobyerno ng equity sa rental payment na nasa 15 porsyento kada taon at ginagarantiyahan nito ang mga utang ng MRTC… para saan? Para sa isang sistema na ngayon ay nagigiba na at sa isang sustema na hindi man lang nagagawan ng ‘upgrade,’” ayon kay Lotilla.

Ngunit inamin din ni Lotilla na nag-aatubili ang gobyernong magsampa ng kaso kung kulang ang hawak nitong mga ebidensya, at hindi nila ito magagawa sa ngayon dahil hawak ng MRTC ang “maintenance record” ng MRT.

Ayon kay Bravo, “dapat na bigyang prayoridad ng DOTC ang resolusyon ng mga isyung legal na ito imbes na maglabas ng kung anu-anong mga ‘solusyon’ na hindi naman tutugon sa problema ng MRT.”

Iginiit din ng mambabatas “batid ng DOTC na ang tanging solusyon sa problema ay ang malawakan at kumpletong rehabilitasyon ng sistema at wala sa ‘maintenenance’ ang isyu. Ang dapat nitong pagtuunan ay kung papaano makakuha ng mga bagong bagon.”

Ayon kay Bravo, “pinaniwala ang publiko na ang ‘maintenance’ ang may sala sa problemang ito, ngunit kung susuriing mabuti ang mga datos kaugnay nito, makikita nating lahat ng ito ay nag-uugat sa paglabag sa kontrata ng MRTC.”

Kung kailangang magsampa ng kaso laban sa MRTC, ayon kay Bravo, ito na dapat ang unahin ng DOTC.

“Isipin nyo ito: minsan nang hinarang ng MRTC ang pagkuha ng gobyerno ng mga bagong bagon at tren para sa MRT kahit na alam na alam ng mga ito na ito ang isa sa mga solusyon sa maraming problema ng sistema nito. Kung sila ang balakid tungo sa totohanang pagpapabuti ng serbisyo ng MRT, dapat na alisin sila sa eksena ng DOTC,” dagdag pa ni Bravo.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *