Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Mark, bilib kay Tom Rodriguez bilang game show host

091714 Direk mark Reyes tom rod

ni Nonie V. Nicasio

HANGA si Direk Mark Reyes kay Tom Rodriguez bilang TV host. Si Tom ang natokang maging host ng bagong game show ng GMA-7 titled Don’t Lose The Money.

Sa sobrang pagkabilib ni Direk Mark kay Tom, naikompara pa niya ito kay Luis Manzano ng ABS CBN.

“Tom is a surprise to everyone. There are several people that auditioned for the show. I will not mention who the others are, pero si Tom ang nag-stand-out.

The minute I saw Tom do the hosting and all, I said, ‘Let’s stop looking for other people, there’s our host.’

“True enough, when the ProdCom decided, it was a unanimous Tom Rodriguez who would handle that.”

Dagdag pa ni Direk Mark, “You know, I don’t want to mention any names from the other side, but he is our answer to Lucky Manzano… probably sa GMA is Tom Rodriguez.

“You’ll be amazed… and then he is coming from an eigtheen hour soap, and then he segues to ano and then he’s energy is always up.”

Isa si Direk Mark sa pinaka-abalang direktor sa GMA-7.  Sa ngayon ay bahagi siya ng apat na TV show sa Kapuso Network. Bukod sa show ni Tom, kabilang sa mga programang ito ang Marian hosted by Marian Rivera, Bet Ng Bayan nina Regine Velasques at Alden Richards, at ang Half Sisters na tinatampukan nina Barbie Forteza, Thea Tolentino, Derrick Monasterio, at Andre Paras.

Ano ang mechanics ng Don’t Lose The Money?

“Basically, Don’t Lose The Money, you play with the money. … as in mga games. Halimbawa, eto yung pera igaganoon mo sa baba mo, ipapasa mo sa kabila, ganoon,” saad niya habang ipinapakita ang demo ng dapat gawin ng contestants.

“Parang Minute To Win It, but it’s bigger with Minute To Win It because we have games na may mga ano yan, umiikot na ganoon na kukuha ka ng pera, ipapasa mo doon sa kabila, isu-shoot niya sa ganoon.

“Ang rule ng game is whatever you drop on the floor, talo mo na yun.

“So, sa umpisa pa lang panalo na kayo ng P250 thousand and anything you drop or you lose during all the games, it’s gone. So kung ano yung particular sa nilaro ninyo, yun lang yung mapapanalunan ninyo sa jackpot.”

ZANJOE MARUDO, SERYOSONG BADING SA MARIA LEONORA TERESA

MULING magpapakita ng kakayahan sa pagiging bading si Zanjoe Marudo sa pelikulang Maria Leonora Teresa. Isa itong horror movie na taliwas sa lagi niyang papel sa kanyang mga pelikula tulad ng Bromance at My Illegal Wife na pawang comedy.

“Makikita nila rito ang bago kong ginawa, na sobra talagang seryoso. Sa tingin ko ay hindi naman sila matatawa,” saad ng Kapamilya actor.

“Bale ako po rito si Julio. Isa ako ritong grade school teacher. Mayroon akong anak na six year old, batang babae. Closet gay po iyong role rito ni Julio. Pero seryoso po, seryosong gay ako rito na hindi tulad noong ginawa ko dati na Bromance na comedy,” paliwanag pa ni Zanjoe patungkol sa role niya sa pelikulang ito ng Star Cinema.

Tiniyak din ng actor na ibang klaseng horror movie ang ihahandog nila sa viewers.

“Sa pagkakakita ko ng mga ibang mga scenes, kahit ako, kahit alam ko na iyong eksena ay nagugulat pa rin ako, e. Kahit na eksena ko halimbawa, tapos kunwari ay magda-dubbing ako, nagugulat pa rin ako pati yung mga kasama ko.

“Siguro naman maganda yung kalalabasan nito. Talagang punong-puno ng horror and drama, e.”

Ang Maria Leonoro Teresa ay pinamahalaan ng box office direktor na si Wenn V. Deramas. Bukod kay Zanjoe, tinatampukan din ito nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Dante Ponce, Cris Villanueva, Joem Bascon, Eagle Riggs, at iba pa. Showing na ito ngayong September 17.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …