Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abra, naka-short pa rin kahit nagpe-perform sa awards night

091714 abra

ni Timmy Basil

BAGUHAN pa noon si Abra at walang pang nakakakilala sa kanya. Sa Youtube pa lang siya napapanood habang lumalaban siya ng Freestyle rap ay humanga na ako dahil sa linis at bilis niyang mag-rap. Ang maganda pa kay Abra, talagang magaling siyang mag-isip dahil bawat rap niya ay may ryhme.

Pero ang napapansin ko lang sa kanya, kahit saan man siya mag-perform kahit sa malakihang showbiz event like sa Star Awards ay naka-shorts lang siya lagi.

Hindi mo siya makikitaan na nagsusuot ng pormal.

Pero ganoon talaga si Abra, style niya ‘yun.

Kaya nga noong papasok siya sa Grand Ballroom ng Solaire Hotel

and Casino for the 6th Star Awards for Music ay ‘di napansin si Abra habang paakyat siya sa Grand Ballroom mula sa casino (na matatagpuan sa ground level ng hotel) dahil nga simple lang siya, naka-shorts samantalang ang iba ay naka-Amerikana kahit hindi nominado.

Gustong-gusto ko rin si Abra ‘pag kumakanta ng live. Hindi siya hinihingal at malinis mag-rap kaya naiintindihan pa rin kung ano ang sinasabi niya.

Nominado ang kanta niyang Gayuma para sa Song of the Year.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …