Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, sa GMA7 na magbibigay saya!

091614 willie

ni Pilar Mateo

ISA sa mga kantang kinober din ni Koriks eh, ang pinasikat na Christmas song ng Carpenters na Merry Christmas, Darling.

At dahil nagsimula na ang “BER” months, mukhang may magandang balita tayong malalaman tungkol sa patuloy pa ring inaantabayanan na magbalik sa hosting niya sa telebisyon na si Willie Revillame!

Wish namin eh, hindi koryente ito!

May mga nagsabi na ang Megastar na si Sharon Cuneta ang magiging bagong Kapuso matapos nitong magpaalam sa pagiging Kapatid niya sa TV5. Na pinabulaanan na ng mismong pamunuan ng estasyon.

Ang maingay ang bulong-bulungan ngayon eh ang tungkol sa nagsimula sa pagiging isang Kapamilya na naging Kapatid eh, na muling maghahatid ng saya sa magiging mga Kapuso niya sa GMA-7.

Umano, pinag-uusapan pa kung daily show ba ang gagawin ni Kuya Willie na programa o once a week lang ba ito or whatever!

Tiyak marami pang ihahaing developments ang ‘nanay-nanayan’ nito na si ‘Nay Cristy (Fermin) sa mga mababalitaan pa natin tungkol kay Kuya Willie na matatandaang October 12 ng nagdaang taon natapos ang kontrata sa Kapatid Network.

Sa October 12 din kaya natin muling matutunghayan sa kanyang pamamayagpag ang isa sa pinaka-pilontropong celebrity na umangat sa buhay niya sa showbiz?

Basta ‘wag lang siya MALALASING sa kanyang tagumpay. Mas maganda ngang maging kaagapay niya lang at gabay ang pwedeng LUMASING sa kanya.

Pamaskong handog na ba ito ni Kuya Wils?

Abangan!

NORMA, IDINULOG SA PAMI ANG PAGBIBITIW BILANG MANAGER NI RICO

OF endings and beginnings…

Last week, hindi na pala napigilan ng talent-manager na si Norma Japitana ang sarili para ihain na sa kanilang samahan, sa PAMI, ang nagawa niyang desisyon—bitawan na ang alagang si Rico J. Puno, na may tatlong dekada rin niyang naging alaga.

“A happy Pami family night with a full attendance of Pami members. June Rufino, Shirley Kuan, Ethel Ramos, Dolor Guevara, Popoy, Carlo, Ricky, Tita Angee. Chit, Malou Fagar, Leo Dominguez, Manny Valera Bettina, Roewena and Arnold Vegafria. This is the night where I announced to PAMI that Im dropping my long time talent Rico J. Puno. His girlfriend wants to manage him and they are making it hard for me to get schedule and even talk to him on the phone. So time to let go.

Dagdag pa ni Ms. Norma (na malamang eh, dala ng bugso ng pagsakit ng kanyang kalooban—parental hindrance is advised). “Mahirap makalaban ang kasama sa Kama! I have managed Rico J. for 34 years! Good thing I have enough projects going for me ! Thank you Lord!”

Kaya ang tanong ng mga nakakabalita sa nasabing isyu eh, kung sino raw kaya ang bagong manager ni Koriks (tawag kay Rico) na girlfriend pa pala niya.

Kung ang nasabing kaso eh idinulog sa samahan ng mga kapwa niya managers, malamang na may maging apekto at epekto ito kay Koriks at sa bago niyang manager na tiyak mahihirapang maging miyembro ng PAMI!

Ano na ang magiging kapalaran ni macho guwapito, na umangat na ba ang mga paa sa lupa ngayon dahil sa kanyang damdamin eh ipinakikita niyang siya’y isang taong marupok dahil magkasuyo buong gabi na sila ng kanyang bagong mahal?

May bukas pa nga ba? Or he doesn’t have to be a star na to be in Ms. Norma’s life?

THE NEW MINSTRELS DIVOS, MAPAPANOOD SA RCBC

ANG the in-between!

Nag-throwback kami ng todo sa panonood sa The New Minstrels Divos na kinabibilangan nina Atty. Rene Puno, Eugene Villaluz, Ding Mercado, at Chad Borja with guest Ray An Fuentes sa RCBC Theater kamakailan. Nakaray kami ni Tita Aster Amoyo.

At hindi kami nagsisi sa palabas na muling mapapanood sa same venue sa September 19, 2014.

Walang pagbabago sa mga boses nilang malinis na malinis pa rin sa pagkanta ng mga oldies but goodies ng iba’t ibang panahon. Maski naman sa mga hitsura. Mga buhok lang ang nalagas pero ang charm at appeal eh never nabawasan.

Catch them and share some precious and few moments with the music we lived with and loved to listen to!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …