ANG feng shui use ng mga paro-paro ay katulad din ng feng shui use ng mga ibon. Ang paro-paro at ibon ay kapwa simbolo ng malayang paglipad, na ang ibig sabihin ay ang paghahanap ng kaligayahan ng isang tao.
Sa paro-paro ay simbolo rin ng pag-ibig at kalayaan sa pagdedesisyon.
Ang pinaka-common na feng shui use ng butterfly symbol ay bilang feng shui cure sa love and romance, maaaring dahil ang pag-ibig ay pinaka-transformative feeling na ang pakiramdam ay para kang lumilipad.
Ang additional element sa paggamit ng feng shui symbol ng paro-paro bilang love feng shui cure ay ang elemento ng kalayaan sa pagpili sa mga manliligaw. Ang butterfly symbol ang isa sa pinakamainam na feng shui love cures para sa mga single (kung gagamitin sa Love and Marriage area ng Ba Gua).