Saturday , November 23 2024

Kurikit (Ang Duwendeng Makulit) (Ika-15 labas)

00 duwende_logo

MALAPIT NANG MAUBOS ANG ORAS PARA SA BISA NG KAPANGYARIHAN NI KURIKIT PERO PATULOY SIYANG TUMULONG

Kundi may “tong-pats” sa bawa’t proyektong pambayan ay “magkano ‘ko r’yan?” ang parating usapan. At kapalmuks na rin pati na ang mga naroroon sa pinakamababang puwesto.

Nadaanan ng binatang duwende sa pag-uwi ang pagsasagawa ng operasyon ng isang grupo ng traffic enforcer laban sa mga sidewalk vendor. Pinaghuhuli ang lahat ng nagtitinda roon dahil nakasasagabal umano sa trapiko. Ikinarga sa sasakyan ng grupo ang mga panindang prutas at gulay. At hindi rin nakaligtas sa pagkadakma ang tindera ng fried chicken na inilalako sa kariton.

“P-pakiusap, mga Sir… Inutang ko lang po sa five-six ang ipinuhunan ko r’yan. Maawa po kayo sa akin…” ang iyak ng ale na naglulupasay sa sementadong kalsada.

“Matitigas ang ulo n’yo… Dapat lang kayong disiplinahin para matutong sumunod sa batas,” bulyaw ng team leader ng mga traffic enforcer sa pobreng tindera.

Bilib na sana si Kurikit sa pagtupad sa tungkilin ng grupo kundi niya sinundan sa impounding area ng traffic bureau. Nagharap-harap sa isang long-neck na imported na alak ang mga o-gag at ginawang pulutan ang mga fried chicken na kinom-piska sa isang vendor.

Heto ang karugtong na mga pangyayari kinabukasan ng umaga … sa pormasyon pa lang sa punong-tanggapan ng mga traffic enforcer ay nag-ututan nang nag-ututan ang lahat ng lumantak ng kain sa pira-pirasong fried chicken. Umalingasaw ang bantot ng tila-nabubulok na pritong manok. Sanhi ni-yon ay nabuking ang lihim na kawalang-hiyaan ng grupo sa pagsasagawa ng ope-rasyon laban sa sina-sabing mga illegal vendor.

Ang kapangyarihan ng singsing ni Kurikit ay may bisa lamang sa loob ng beinte kuwatro oras. Sangkatutak ang mga problema na dapat isaayos sa lahat ng sa-ngay ng pamahalaan. Gustong-gusto ni-yang pakilusin ang matataas na opisyal ni-yon para sa kapakanan ng nakararaming mamamayan. Pero alam din naman kasi niya ang kanyang limitasyon. Gayon pa man, hindi siya sumuko sa paggawa ng mabuti sa mga taong mortal.

Dahil kapamilya ang turing kina Mang Nato at Aling Rosing kaya sila muna ang una niyang tinulungan.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *