Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, GF na raw ng 20 taong gulang na badminton player mula DLSU

091614 gerald aiai delas alas

00 SHOWBIZ ms mNAGULAT kami sa artikulong nabasa namin mula sa www.pep.ph. Ang artikulo ay ukol sa bagong boyfriend umano ni Ai Ai delas Alas na 20 taong gulang pa lamang, si Gerald Sibayan, isang dating star player ng badminton team ng De La Salle University (DLSU).

Nagulat kami dahil minsan nang nakapagbitiw ng salita ang Comedy Queen na ayaw na muna niyang ma-in-luv muli sa mas bata sa kanya nang hindi naging successful at nagkaroon sila ng problema ng mas bata rin sa kanyang dating boyfriend na si Jed Salang.

Pero sino ba tayo para mag-judge kay Ms. Ai Ai. Ang sabi nga, hindi mo mapipili kung kanino titibok ang puso mo. And this time, kung noon ay itinatanggi ni Ai Ai ang identity ng kanyang bagong BF at ayaw pangalanan kung sino dahil nga raw sa agwat ng edad, umamin naman si Gerald na girlfriend niya ang Comedy Queen.

Ayon sa artikulo ng PEP, 20 years old pa lamang si Gerald at nag-aaral ng kursong Sports Management sa DLSU. Dalawang taon pa bago gumradweyt si Gerald at pagkaraan ay mag-aaral naman daw ng pagka-piloto.

Sinabi pa sa artikulo na si Ai-Ai raw ang tumatayong manager ng badminton team ng La Salle na sa unibersidad ding ito nag-aaral ang panganay niyang anak na si Sancho.

Nakuha rin namin ang larawan ni Gerald mula sa PEP na nakuha raw nila sa FB ng binata.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …