Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Simbahan barangay suportado si Mar (Sa Daang Matuwid)

091514_FRONT

NAGKAISA kamakailan ang Simbahang Katoliko at ang Liga ng mga Barangay para suportahan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamumuno ni Sec. Mar Roxas sa kampanya na ipatupad ang Daang Matuwid sa implementasyon ng mga proyekto ng lokal na pamahalaan.

Pormal na pinagtibay ang nasabing suporta sa pagpapatupad ng Daang Matuwid sa mga lokal na pamahalaan nang ilunsad ang Ugnayan ng mga Barangay at Simbahan (UBAS) sa Archbishop’s Palace sa Intramuros, Maynila, nitong Biyernes.

Para pagtibayin ang nasabing samahan, pumirma sa isang Memorandum of Agreement sina Sec. Roxas, His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle at Liga ng mga Barangay National President Atty. Edmund Abesamis.

“Napapanahon ang paglulunsad ng UBAS upang tiyakin ang iisang tugon ng simbahan at barangay upang masiguro na ang pondo ng bayan ay tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan,” ani Cardinal Tagle.

Ipinaliwanag ni Sec. Roxas na nabuo ang UBAS sa layunin na pakilusin ang ordinaryong mamamayan para masigurong magtatagumpay ang kampanya kontra sa katiwalian sa lahat ng lebel ng pamamahala.

Sinabi niya na malaki ang maitutulong ng Simbahan at ng mga Barangay para tiyakin na hindi maibubulsa ang mga pondong inilaan ng pamahalaan sa mga proyektong mapakikinabangan ng mamamayan.

“Pinapatunayan ng UBAS ang pagkakaisa ng DILG, ng Simbahan at ng mga Barangay para isulong ang mga inisyal na reporma ng tuwid na daan para sa ating mga Boss, ang mga mamamayan,” ani Roxas.

“Nagkakaisa kami sa layuning tiyakin ang malinis at bukas na pamamahala hindi lamang sa national government, kundi maging sa mga lokal na pamahalaan,” dagdag niya.

Isa sa mga programang tututukan ng samahan ang Grassroots Participatory Budgeting Process (GPBP), ang programa ng DILG na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mamamayan sa pagpili ng mga lokal na proyektong popondohan ng pamahalaan.

Sa ilalim ng GPBP, tutulong ang mga non-government organization (NGO) at mga samahan ng mamamayan para alamin ang mga proyektong makatutulong sa laban kontra sa kahirapan sa mga siyudad at munisipalidad.

Ayon naman kay Atty. Abesamis, nakahanda ang Liga ng mga Barangay para tumulong sa DILG at sa Simbahang Katoliko para labanan ang kahirapan sa lahat ng panig ng bansa.

“Sa pagpapatupad ng GPP, ang UBAS ang magsisilbing matibay na ugnayan ng Simbahan at Barangay upang palakasin ang boses ng mamamayan sa proseso ng pagpili ng mga proyektong kontra-kahirapan,” ani Abesamis.

Ilulunsad ang UBAS sa iba’t ibang panig ng bansa sa mga susunod na linggo at magiging aktibo rin ito sa iba pang kampanya ng gobyerno tulad ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM), environmental protection at peace and order. (HNT)

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …