Friday , December 27 2024

Luis signal no. 3 sa 13 lugar

091514 bagyo accident

RUMAGASA ang malakas na hangin bunsod ng bagyong Luis kaya naputol ang mga puno, nagiba ang bakod ng PNR at nabagsakan ang nakaparadang mga sasakyan sa gilid ng Caloocan City Police headquarters kahapon. (RIC ROLDAN)

LUMAKAS pa ang bagyong Luis ilang oras bago ang landfall o pagtama ng sentro nito sa kalupaan ng Cagayan-Isabela.

Bago magtanghali kahapon ay natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 213 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 160 kilometro bawat oras.

Umuusad ang bagyo sa direksyon na kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Nakataas na ang signal number 3 o inaasahang hangin na may lakas na 101 -185 kph sa loob 18 oras sa Cagayan, kabilang ang Babuyan at Calayan group of Island, Apayao, Ilocos Norte, Abra, Kalinga, Isabela, Mt. Province, Ilocos Sur, Ifugao, Northern Aurora, at Quirino.

Habang signal number 2 o inaasahang hangin na aabot sa 61-100 kph sa loob ng 24 sa Batanes group of Islands, La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Nueva Ecija, at nalalabing bahagi ng Aurora.

At signal number one o inaasahang hangin na aabot sa 30-60 kph sa loob ng 36 na oras sa Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Northern Quezon at Polillo Island.

Cagayan, Isabela sentro ni Luis

CAGAYAN, ISABELA SENTRO NI LUIS

NAG-LANDFALL o tumama ang sentro ng bagyong Luis sa pagitan ng lalawigan ng Cagayan at Isabela dakong 5 p.m. kahapon.

Ayon sa PAGASA, taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 160 kilometro bawat oras.

Umuusad ito sa direksyon ng kanluran hilagang kanluran sa bilis na 22 kilometro bawat oras.

700 pasahero stranded

700 PASAHERO STRANDED

TINATAYANG 700 pasahero sa iba’t ibang pier sa buong bansa ang stranded bunsod sa nararanasang masungit na panahon dahil sa Bagyong Luis na patuloy na lumalakas.

Batay sa talaan ng Philippine Coast Guard (PCG) dakong 10 a.m. kahapon, umabot na sa 658 passengers, 78 rolling cargoes at 15 vessels ang stranded.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commander Armand Balilo, patuloy nilang mino-monitor ang iba’t ibang pier sa buong bansa na apektado ng Tropical Storm Luis.

Samantala, ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, binigyan na ng standby funds ang DSWD field offices na apektado ng bagyo na nagkakahalaga ng P44,057,569.16.

Sinabi ni Soliman, bukod sa standby funds mayroon nang food items na nagkakahalaga ng P24,509,631.75 at non-food items na nagkakahalaga ng P34,605,518.84 ang nakahandang ipamimigay sa mga residenteng apektado ng bagyo.

10 flights kansenado

10 FLIGHTS KANSENADO

UMABOT sa 10 ang bilang ng flights ang kanselado dahil sa sama ng panahon bunsod ng bagyong si Luis.

Batay sa ulat ng Department of Transportation and Communication (DoTC), bago mag-alas nuebe kahapon ng umaga ay kabilang sa mga kanseladong flights ang mga sumusunod: 2P 2014: Manila-Tuguegarao; 2P 2015: Tuguegarao-Manila; 2P 2198: Manila-Laoag; 2P 2199: Laoag-Manila; 5J 323: Manila-Legazpi; 5J 324: Legazpi-Manila; 5J-821: Manila-Virac; 5J-822: Virac-Manila; 5J-513: Manila-San Jose; at 5J-514: San Jose-Manila.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *