Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis trillo umaasam na makagawa sa Star Cinema (Puro flop kasi ang mga pelikula sa GMA Films …)

091014 Dennis Trillo

ni Peter Ledesma

In fairness, before ay kumikita naman talaga ang mga pelikulang prodyus ng GMA Films. Lalo na ‘yung mga ginawa noon nina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Angel Locsin at iba pa, na pawang mga dekalidad ay pumatok lahat sa takilya.

Pero magmula noong 2010 ay doon na nagsimulang alatin ang GMA sa kanilang mga movie na majority ay puro flop talaga. Paano halatang tinitipid ang production cost at indie ang dating ng mga proyketo nila. Mabuti na nga lang si Dingdong Dantes at naging open sa paggawa ng movie sa ibang movie outfit. At no regrets, siya sa kanyang desisyon dahil simula nang gumawa siya sa Star Cinema, na ngayon ay itinuturing na No. 1 movie outfit ng Philippine local movie industry ay nagkasunod-sunod na ang proyekto ng actor at lahat blockbuster.

Kaya naman si Dennis Trillo na posibleng tumapak uli sa bakuran ng ABS-CBN dahil ang Star Cinema ang nag-release ng movie nila ni Derek Ramsay na “The Janitor” na produced ng APT Entertainment ni Sir Tony Tuviera.

Type ng actor at umaasa siya na gaya ni Dingdong ay mabigyan din siya ng pagkakataon ng Star Cinema na makasama sa projects ng Kapamilya stars. Well mahusay umarte si Dennis at malay natin kunin nga siya ng Star Cinema.

Why not gyud!

Sana Bukas Pa Ang Kahapon patuloy na namamayagpag sa national TV ratings

THE KISS NINA BEA AT PAULO, PINAINIT ANG GABI NG SANA BUKAS VIEWERS

Tinutukan ng buong sambayanan ang pinakaaabangang “The Kiss” ng mga karakter nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na “Sana Bukas Pa Ang Kahapon.” Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Miyerkoles (Setyembre 10) kung kailan pumalo ang #SBPAKTheKiss episode ng national TV rating sa 20.3%, o limang puntos na kalamangan kompara sa nakuha ng katapat na programa sa GMA na “Ang Dalawang Mrs. Real” (15.4%). Tampok sa inabangang episode ng “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” ang mainit na komprontasyon nina Patrick (Paulo) at Rose (Bea) na nagpapanggap bilang si Emmanuelle, at ang hindi inaasahang halikan nila na pinagsimulan ng paghihinala ni Patrick na buhay pa ang kanyang asawa.

Ano ang gagawin ni Rose sa oras na mapatunayan ni Patrick na siya nga ang asawa niya?

Maisasakatuparan pa ba ni Rose ang plano nila nina Leo (Albert Martinez) at Ruth (Susan Roces) ngayong hindi na niya mapigilan ang kanyang nararamdaman para kay Patrick? Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment Television, ang “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” ay kwento ng dalawang magkaibang babae na naghahangad na makamit ang hustisya. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan. Huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang eksena sa “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” gabi-gabi pagkatapos ng “Ikaw Lamang” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/SBPAK.TV, Twitter.com/SBPAK_TV, at Instagram.com/DreamscapepH.

PAGLABAS NINA DANIEL AT KATHRYN SA BE CAREFUL INAABANGAN NA NG MILYONG FANS AT VIEWERS

Simula nang maging yaya siya ng mga anak ni Ser Chief o Papa Chen (Richard Yap) hanggang sa maging sila ni Ser Chief at magpakasal at mayroon nang kambal na anak na sina Baby Sky at Baby Sunshine, kasama ang tatlong anak ni Ser Chief sa unang misis na sina Luke (Jerome Ponce), Nikki (Janella Salvador) at bunsong si Abby played by Mutya Orquia. Simula noon ay dalawang taon na tayong pinakikilig ng love story nina Maya (Jodi) at Papa Chen sa # 1 Daytime morning teleserye ng dalawa na “Be Careful With My Heart.”

At hindi lang dito sa Pinas sinubaybayan ang matamis na pag-iibigan ng mag-asawa kundi sa iba’t ibang bansa rin na mga subscribers ng TFC o The Filipino Channel. Ngayong araw, dalawang character ang lalabas sa “Be Careful..” na magdadagdag-kilig sa inyo.

Yes simula ngayon September 15, mapapanod sa serye ang pagbabalik-tanaw sa buhay-pag-ibig ni Manang Fe (Gloria Sevilla) at Mang Anastascio (Carlos Salazar) na gagampanan ng hottest love team ng industriya na sina Daniel Padilla bilang Mang Anastascio at Kathryn Bernardo as Manang Fe. Dahil dekada ‘60 ang setting ay pang 60’s din ang outfit ng dalawa at nang lumabas ang kanilang mga larawan sa social media ay na-excite lalo ang mga fans partikular ang Kathniel fans na masaksihan ang episode ng mga idolo nila sa Be Careful With My Heart. Last Tuesday pala nag-taping ang dalawa at maging ang buong production ay kinilig sa kanila. Ang ganda ng teaser ng love story nina Manang Fe at Mang Anastacio na may matching background pa ng famous Visayan song na “Usahay” na pinasikat ni Pilita Corales na ini-revive ng namayapang si Susan Fuentes. Sure hit na ang mga episode na bidang-bida sina Kathryn at Daniel kaya expect natin ang mataas na ratings ng nasabing serye na mapapanood sa Primetanghali ng Kapamilya network pagkatapos ng nagbabalik na The Singing Bee.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …