TINATAYANG 700 pasahero sa iba’t ibang pier sa buong bansa ang stranded bunsod sa nararanasang masungit na panahon dahil sa Bagyong Luis na patuloy na lumalakas.
Batay sa talaan ng Philippine Coast Guard (PCG) dakong 10 a.m. kahapon, umabot na sa 658 passengers, 78 rolling cargoes at 15 vessels ang stranded.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commander Armand Balilo, patuloy nilang mino-monitor ang iba’t ibang pier sa buong bansa na apektado ng Tropical Storm Luis.
Samantala, ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, binigyan na ng standby funds ang DSWD field offices na apektado ng bagyo na nagkakahalaga ng P44,057,569.16.
Sinabi ni Soliman, bukod sa standby funds mayroon nang food items na nagkakahalaga ng P24,509,631.75 at non-food items na nagkakahalaga ng P34,605,518.84 ang nakahandang ipamimigay sa mga residenteng apektado ng bagyo.