Makaraang uminit sa Maynila ang smuggling sa bigas ng binansagang DAVID TAN MAFIA, tuloy naman ang ligaya sa buhay ng isang ulol na alkalde sa isang bayan ng Cebu .
Ang estilo ng kupal, maghanap ng malayong puerto na pagbabagsakan at pagpapasukan ng kanyang mga kontrabando.
Bukod sa rice smuggling, pasok din sa network ng pendehong mayor ang pagpapalusot ng mga high-end sports utility vehicles (SUVs) at iba pang mamahaling kotse.
Dahil mula nga sa Cebu, iwas ang dorobong mayor na magparating sa kanyang teritoryo dahil tiyak na mangangalingasaw ang kanyang itina-tagong bantot.
Kaso mo, urong ang ‘balls’ ng smuggler na mayor kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte kung kaya’t iwas na iwas mapupunta o maligaw ang kanyang mga parating sa balwarte ni Duterte.
Takot masampiga ng astig na mayor ng Davao.
So ngayon nga dahil magpa-Pasko, hataw kaliwa’t kanan ang tarantadong si MAYOR SMUGGLER sa Cagayan De Oro City.
Pero kakaingat ka yorme, lahat ay may hangganan…baka kalusin ka ni Mayor Duterte!
‘Wag na ‘wag kang maliligaw sa Davao hehehe!
‘WALANG PUWANG SA PNP ANG MGA ‘BUGOK AT BULOK’ NA MGA PULIS’- Gen.Valmoria
NCRPO will never tolerate the presence of Scalawags in the organization,’ ito ang mariing pahayag at paniniyak ni Metro Manila Police Director, Chief Supt.Carmelo Valmoria patungkol sa pagkakasanggot ng sampung (10) pulis-Kyusi sa kidnap-extortion laban sa dalawang katao mula sa Mindanao .
Panabay nito, pinapurihan ni Valmoria ang mga opisyal at tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa pamumuno ni PCSUPT Abelardo P Villacorta sa mabilis na pagkakalutas sa kaso na kinasasangkutan ng kanilang mismong mga ‘kabaro.’
As of this wri-ting, dalawa sa sampung suspects ang nasa kos-tudiya ng mga awtoridad kabilang na ang deputy commander ng La Loma QC Police Station na immediate officers ng mga hinayupak na ‘pulisan.’
Inaasahan ni Gen.Valmoria na isa-isang magsisisuko ang mga suspect na pulis sa mga araw na susunod para linisin ang kanilang mga pangalan.
Sinabi ni Valmoria, habang nagtatago sa batas ang mga suspek, lalo lamang tumitibay ang mga ebidensiya laban sa kanila.
Binigyang papuri rin ni Valmoria ang partisipasyon ng mga mamamayan sa nangyaring insidente na isang ginang ang walang takot na nakakuha ng larawan sa aktuwal na pagkidnap at saka ini-post sa internet.
Ito ang naging daan para agarang maresolba ang daring na kidnap-hulidap ng mga miyembro ng QCPD.
Nakasuhan na ang dalawa sa mga suspect samantala isang intensified manhunt naman ang ipinag-utos ni Valmoria sa iba pang pulis na nagtatago pa.
Ipinag-utos na rin ni Gen. Valmoria ang intensified anti-criminality operations sa buong Metro Manila kasabay ng nasabing pangyayari at ang nalalapit na Kapaskuhan.
Kasama sa mga mahigpit na tagubilin ni Gen. Valmoria sa kanyang district directors ang pagpapaigting sa counter intelligence operations, Oplan Katok, Oplan Bulabog, Oplan Bakal/Sita, checkpoints, chokepoints, mobile patrol, beat patrol, pag-aresto sa lahat ng wanted persons at close monitoring sa organized crime groups (OCGs).
Bilib rin talaga tayo dito sa hepe ng NCRPO, kahit pa nga inuulan ng batikos, tuloy lang ang trabaho.
Hindi marunong magtampo o magalit sa mga taga-working press. Para kasi kay Gen. Valmoria, walang masamang tinapay.
Trabaho lang!
BATMAN & ROBIN TANDEM SA MEDIA, TULOY SA PAMBUBUKOL AT PAMBABALASUBAS!
Bukod sa talamak na ‘flesh trade’ sa lungsod, nagkalat din sa buong Quezon City ang ilegal na sugal gaya ng lotteng at video karera (VK).
Kapwa naghahari sa lotteng operations sina LITO MOTOR, DON RAMON, VER BICOL at Jueteng ni TONY FRANCISCO samantala solo naman ng VK king na si REY RECTO ang mga nagkalat na salot na makina ng video karera. Sa Pasig city Lotteng nina Cris, Rose at Laarni.
Pasok naman ang local at national media sa raketang ito na ang busog na busog ang pa-mosong BATMAN & ROBIN tandem na nambubukol ng mga kapwa nila taga-media sa intelihensiya.
Kaya naman halos lahat ng tabloid publishers at editors ay sukang-suka na sa dalawang ‘yan na talaga namang ang kakapal ng pagmumukha.
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Mon – Fri 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]
Rex Cayanong