Mapapanood sa pelikula ang eksenang naglalagay ng sardinas sa lata ang mga bata na nahihiwa ang mga daliri, pero ang tanging sinasabi ng may-ari ng sardines factory eh, “okey lang, ‘di na mapapansin ‘yan dahil pula naman ang sauce.”
Ayon kay Direk Kip, noong araw pa nangyari ang istoryang ito dahil iba na ang pamamaraan ngayon sa paggawa ng sardinas, machine na ang ginagamit.
Tampok sa indie film na ito sina Kean Cipriano, Ronnie Lazaro, Kerbie Zamora, Ms. Jaclyn Jose, at may special participation si Shamaine Buencamino.
Samantala, nilinaw ni Tere Malvar na Therese Malvar na pangalang gagamitin niya sa pelikulang Tumbang Preso dahil ito naman daw ang tunay niyang pangalan.
Ani Therese, ito rin ang ginamit niya simula nang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.
Kung ating matatandaan, si Therese batang tumalo kina Nora Aunor at Vilma Santos sa Gawad Urian dahil sa pmagaling niyang pagganap sa Cine Filipino entry na Ang Huling Cha-Cha ni Anita.
Ani Therese, umaasa siyang mabibigyan pa siya ng maraming project lalo’t nasa GMA na siya. Bagamat maliit si Therese, super power naman ang kanyang acting kaya hindi siya nawawalan ng pag-asang maraming opportunity ang magbubukas sa kanya.
ni Maricris Valdez Nicasio