Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ronnie, ayaw gumanap bilang demonyo (Baka raw kasi hindi na kumawala sa katawan)

091214 ronnie lazaro

00 SHOWBIZ ms mISA sa tinitingala at iginagalang sa mundo ng showbiz ay ang aktor na si Ronnie Lazaro. Hindi talaga matatawaran ang galing niya sa pag-arte. Anumang role ang ibigay sa kanya, tiyak na mabibigyan niya iyon ng justice. Kumbaga, walang maliit na role para sa isang tulad ni Ronnie.

Ayon kay Ronnie, hindi siya mapili sa role dahil, “I’m fortunate that I end up doing good materials.” Tulad sa Ikaw Lamang ng ABS-CBN na ginampanan niya ang isang napakahalagang papel bilang assistant ni John Estrada, talagang lumutang ang galing niya bilang isang kontrabida.

Mapa-mainstream o indie, tiyak na nagagampanan ng tama ni Ronnie ang kanyang role. Tulad sa pinakabagong pelikula niyang Tumbang Preso ni Kip Oebanda na mapapanood sa Oktubre 8 sa lahat ng SM Cinema, gagampanan niya ang role ng isang foreman ng isang sardines factory na isang matapang at kinatatakutan ng lahat.

Sa pakikipag-usap namin kay Ronnie, naikuwento nitong ayaw niyang gumanap bilang isang demonyo. “Iyon ang pinaka-ayaw kong role dahil baka hindi iyon makawala sa akin. Hindi ako makaalis sa role na iyon. Baka maipasok ko iyon sa sarili ko. Hindi makaalis sa pagiging demonyo, kumbaga. Baka madala ko hanggang bahay.

“Ang artista tinuturuan to enter the character, pero walang itinuturo sa amin paano lumabas. So maraming artista ang ganoon na nadadala nila sa bahay, isa ‘yon sa liabilities being an actor.”

Kaya ‘wag raw magtaka kung may mga artistang nagiging snub o naiiba ang timpla lalo na kung nasa taping o shooting o galing sa isang pagganap.

“They’re so into their characters that they forget who they really are,” giit pa ni Ronnie.

Kaya naman daw kailangang marunong ang artistang makaalis agad sa character na ginagampanan. “You have to be aware, may awareness ka na pagkatapos nito, snap out ka na. Pagdating sa bahay maging ordinaryong tao ka, maging asawa ka, maghugas ka ng pinggan, maglaba ka.”

Ukol naman sa pagdami ng mga indie film, nasabi ni Ronnie na, “Nakakatuwa lang ang pagyabong ng teknolohiya, talagang hindi mapipigilan ‘yan, lalaki ang independent films,” giit pa niya.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …