Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, sagana sa lovelife kaya fresh at maganda!

091214 jodi sta maria

ni Dominic Rea

ARAW-ARAW po nating napapanood ngayon sa daily noontime show na It’s Showtime si Jodi Sta. Maria kaya naman araw-araw ko rin siyang nabibisita sa studio ng Dos.

Medyo ngarag nga ang Daytime Serye Queen at Kilig Serye Queen dahil kabi-kabila ang kanyang commitments sa pelikula na super busy siya promo ng kanyang latest movie na Maria Leonora Teresa ganoon din ang daytime series nitong Be Careful With My Heart.

Natawa nalang sa amin ang sikat na aktres nang sabihan namin itong mukhang sagana siya sa kanyang lovelife dahil napakaganda niya ngayon at sobrang freshness!

“Wala naman Marse!” agad nitong tsika sa amin.

“Siguro kailangan lang nating maging inspired sa mga ginagawa natin, that’s how passionate I am pagdating sa work ko at alam mo ‘yan!” paglalahad pa ni Jodi.

Tutok lang daw si Jodi sa kanyang trabaho, business, at anak na si Thirdy. Tatlong ikot lang daw ‘yan sa kanyang buhay na araw-araw niyang ipinagpapasalamat sa itaas.

Nang tanungin ko naman siya kung bakit tinanggal niya na ang kanyang Twitter at Instagram account, “Wala lang marse…gusto ko lang. Mas masaya ang buhay. Hahaha! “ aniyang pagtatapos pa sa aming panayam.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …