Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tenorio, Aguilar kompiyansa sa Asian Games

091114 Aguilar Tenorio

SUMIPOT sina LA Tenorio at Japeth Aguilar sa exhibition game ng Barangay Ginebra San Miguel at ng LG Sakers ng Korea noong isang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kahit galing sila sa airport mula sa biyahe nila patungong Espanya para sumabak sa Gilas Pilipinas sa group stage ng FIBA World Cup ay nagbigay din sila ng suporta sa Gin Kings na natalo sa Sakers, 81-76.

Parehong naniniwala sina Tenorio at Aguilar na kaya ng Gilas na masungkit ang gintong medalya sa men’s basketball sa darating na Asian Games sa Incheon, Korea, kahit wala si Andray Blatche na hindi pinayagan ng Olympic Council of Asia na maglaro sa Gilas.

“I think, even without Andray, we can still compete naman,” wika ni Tenorio. “Kung worse comes to worst, we can play All-Filipino after our experience in Spain where we won over Senegal kahit na-foul out si Dray. Sanay nga kami at mas malakas ang loob namin.”

“As long as we do our job well, wala kaming dapat matakot (sa Asian Games),” dagdag ni Aguilar. “Basta sa akin naman, kung ano ang maitutulong ko sa team, kaya kong gawin. Mahalaga ang role ko sa Asian Games kasi it’s a big shoe to fill. We can compensate on other aspects. Depende iyan kay coach (Chot Reyes).”

Nagpapahinga muna ang mga manlalaro ng Gilas at babalik sila sa ensayo bukas para paghandaan naman ang Asian Games na gagawin sa Incheon, Korea, mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …