Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino ang padrino ni Jueteng Pineda sa Palasyo?

00 rex target logo

PARANG hindi kapani-paniwala ang mga ipinagyayabang ng grupo ng ‘jueteng PINEDA na pasok na umano ang antigong gambling lord sa inner circle nina PangulongBenigno Simeon Aquino III at DILG Secretary Mar Roxas.

Ito ay makaraang personal na makipagtagpo daw si Pineda kay Budget Secretary Butch Abad na finance officer ng Liberal Party kamakailan sa Jeepney Coffee Shop ng Intercon Hotel Makati.

Makailang beses na ring naging laman ng mga broadsheet at tabloid column ang nasabing ‘chance meeting’ kuno nina Abad na noo’y nasa isang private meeting umano sa mga foreign visi-tors.

Si Pineda naman ay kasama ng isang mataas na opisyal ng PNP na kilalang malapit sa pamilya Aquino.

Ayon sa ating mga sources, nangako umano ng financial support si Pineda kay Abad para sa Liberal Party para sa 2016 presidential elections to the tune of 500 million pesos.

Wow!!! kalahating bilyong piso?

BIR Comm. Kim Henares, Ganyan na ba kayaman si PINEDA at kayang magtapon ng ganoon kalaking halaga?

Pero on the second thought, hindi ito masa-sabing pagtatapon ng pera kundi investment. Isang wise investment ika nga!

Lahat naman ng bagay o pabor ay may nakalaang kapalit o katapat.

Sa kaso ng jueteng king na si Pineda, obvious ang mga dahilan kung bakit mismong si Abad pa mismo ang nagpatawag sa First Gentleman ng Pampanga.

Hindi magiging hari ng jueteng si Pineda for nothing. Estabilisado na ang mama bilang king maker ng bansa gamit ang jueteng money.

Buhay na saksi ang naging kapalaran nina former presidents Erap Estrada at Gloria Macapagal Arroyo na kapwa kumpare at kumadre daw ng mga Pineda.

Kaya naman pala maging si PNP Chief Alan Purisima ay walang magawa sa tila ‘untouchable operations’ ng jueteng ni Pineda at ng kabu-uang gambling empire nito?

Naging ‘see no evil, hear no evil hindi lamang ang tanggapan ni General Purisima kundi lahat ng mga opisyal ng kapulisan.

Kasama sa ‘regalo package’ ni Pineda sa mga incoming regional at provincial directors ng PNP ay brand new cars at pakimkim na sobre na puno ng pera.

Matik na itong kalakaran sa sistema ng jueteng operation ng mamang Kapampangan.

Mula mga barangay chairmen hanggang sa kataas-taasang opisyal ng gobyerno ay umaagos ang grasyang ipinamumudmod ni Pineda.

Alam nito kung paanong gamitin ang kuwartang mula sa jueteng.

Bukod sa iba’t ibang units sa Kampo Crame, pasok ang jueteng network ni Pineda sa NBI, Games and Amusement Board (GAB) at iba pang law enforcement agencies kasama na dito ang DILG ni Mar Roxas na isang alyas Mike Blanko ang designated bagman.

Pero may pagkatuso si Pineda gaya ng iba pang negosyante. Pumupusta ito sa magkabilang magkalabang ‘manok’.

Alam n’yo na kung ano ang ibig nating sabihin!

Pasok din sa payola nina BATMAN & ROBIN TANDEM NATIONAL MEDIA PAYOLA (7,14,21,30) ang Jueteng Pineda!

Makinig sa DWAD 1098 khz am TARGET ON AIR Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …