Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Naglilinis-linisan si Senator Drilon

00 BANAT alvin
NAHAGIP din ng kontrobersiya ang pangulo ng Senado na si Franklin Drilon.

Sa dinami-dami kasi ng kinasangkutan niyang transaksyon ay mukhang ngayon lang sasalto dahil kwestionable ang ipinatayo Iloilo Convention Center (ICC) na pinondohan ng kanyang PDAP at DAP.

Malinaw sa pahayag ni Cong. Teddy Ridon ng Kabataan partylist, sobra-sobra ang patong ng ICC dahil mas mahal pa ito sa SMX Convention Center sa Mall of Asia ng tinatayang P531 milyon.

Sinabi rin ng militanteng kongresista na ang sigalot na kinapapalooban ni Drilon sa ICC ay lalo pang naging kumpirmado matapos niyang malaman na ang kontraktor ng ICC ay Hilmarc’s Cons-truction, na kontraktor din ng mga Binay sa Makati.

Gusto ni Ridon na siyasatin ng Kongreso ang 20 pinakahuli at pinakamalaking kontratang nakuha ng Hilmarc’s sa gobyerno dahil posibleng punong-puno rin ito ng anomalya.

Sa nangyayari ngayon ay lumalabas na, ang tunay na kulay ng ating mga politiko dahil malinaw na puro naglilinis-linisan lang sila.

Malinaw na may isyung korupsyon ang mga Binay, Cayetano , Drilon at iba pang politiko kaya’t naghahanap ng bago ang taumbayan.

Pabor sa taumbayan ang nangyayaring bistohan pero hindi ito maganda sa imahe ng bansa dahil lalo lamang nakokompirma kung gaano katalamak ang mga kasalukuyang lider ng bansa pagdating sa panghaharbat sa pera ng ba-yan.

***

Magaling talaga ang liderato ng Muntinlupa sa pamumuno ni Mayor Jaime Fresnedi.

Mantakin n’yo, binigyan niya ng allowance ang senior citizens na may edad 90 anyos pataas. Sa ating pagkakaalam, bibigyan ni Fresnedi ng P2,000 kada buwan ang mga matatandang may edad 100 pataas habang P1000 naman ang ibibigay sa mga senior citizens na may gulang na 90 hanggang 99 anyos.

Malinaw na VIP ang mga senior ng Muntinlupa dahil grabe ang pagkalinga sa kanila ni Fresnedi na nauna nang nagbigay ng libreng sine sa mga katandaan.

Marami pang darating na biyaya sa Lungsod ng Muntinlupa dahil kakaiba ang pagkalinga ni Fresnedi sa kabataan man at katadaan ng siyudad.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …