NAGULAT ang isang Australyano nang makapagsalita siya ng Mandarin nang magising makaraan ang isang linggong pagka-comatose nang maaksidente sa sasakyan.
Nang magising si Ben McMahon, 22, at nang makita ang isang nurse na mukhang Asian sa tabi ng kanyang kama, sinabi niyang “Excuse me nurse, I feel really sore here,” sa Chinese.
Pagkaraan ay humingi siya sa nurse ng papel at panulat at isinulat sa Mandarin ang: “I love my mum, I love my dad, I will recover.”
Ang bago niyang kaalamang ito sa lengguwahe ay ikinagulat ng kanyang mga doktor at pamilya.
Sa kabila ng pag-aaral ng Mandarin sa paaralan, hindi siya naging fluent sa nasabing lengguwahe.
“I wasn’t consciously thinking I was speaking Mandarin, it was what just came out and it was what was most natural to me,” aniya.
Makaraan lamang ang dalawa o tatlong araw muling naalala ni Mr. MacMahon ang pagsasalita ng English, ayon sa ulat ng The Mirror.
Magmula noon, ang kanyang language skills ay nagbukas sa kanya ng bagong mga oportunidad kabilang ang pangunguna sa
Chinese tours ng kanilang hometown, maging sa pag-host ng
Mandarin TV program.
Kasalukuyan nang nasa Shanghai ang Melbourne guy upang mag-aral ng commerce sa nasabing lugar.
(ORANGE QUIRKY NEWS)