Saturday , November 23 2024

Working from home

00 fengshui

SA pagtatrabaho nang walang boss, ang mga tao na nagpapatakbo ng sarili nilang negosyo ay kadalasang nasusumpungan ang kanilang sarili na nagsasayang ng oras kaysa kung sila ay nasa opisina. Kaya naman ang kanilang work hours ay umaabot ng hanggang sa gabi na dapat ay para na sa pamilya, at maaaring mapansin mong puro trabaho ang iyong ginagawa ngunit wala namang natatapos.

Sundin ang mga tips na ito upang higit na maging produktibo sa iyong work-at-home space.

*Magtakda ng oras ng trabaho – Kung ikaw ay may flexible time para sa pagtatrabaho sa bahay – o walang boss dahil pinatatakbo mo ang iyong sariling negosyo – makatutulong kung ikaw ay magkakaroon din ng schedule. Ito ang maghuhudyat sa iyong utak para magsimula nang magtabaho, at tiyak na agad kang makapagsisimula nang mabilis sa iyong trabaho.

*Lumayo sa web – Kung maaari, ilayo ang sarili sa Internet access o gumamit ng software na haharang sa ilang sites (katulad ng Facebook) hanggang sa madisiplina ang sarili na manatiling naka-focus sa trabaho. Kung dapat mong i-tsek ang iyong e-bids o amazing sale sa web, magtakda ng timer para sa 15 minuto – at bilang reward sa iyong natapos na trabaho, bigyan naman ang sarili ng oras para makapag-online.

*Mag-tsek lamang ng email at voice mail sa itinakdang oras – Ang pag-tsek ng email at voice male sa hapon dakong 4 p.m. ay mainam para sa mga tao na may normal na nine-to-five day work. Ngunit kung hindi ka makapagsisimula nang trabaho nang hindi muna tsini-tsek ang email, gawin ito sa umaga bago ang trabaho. Ngunit huwag sasayangin ang oras sa pagsagot sa hindi mahalagang emails.

*Paghiwalayin ang trabaho at pamilya kung posible – Hindi palaging posible para sa manager o business owner na iwasan ang trabaho makaraan ang working hours. Ngunit makabubuting patayin ang cellphone at iwasan ang pag-iisip sa trabaho ng ilang mga oras sa gabi – at lalo na sa hapunan kasama ng iyong mga anak.

Gayundin, iwasan ang personal chores o lunch dates habang working hours. Ngunit kailangan mong bumawi sa gabi para naman sa iyong pamilya.

*Dalasan ang quick breaks – Ang mga tao ay higit na produktibo sa 20 hanggang 35 minuto. Huwag mag-atubiling tumayo at i-focus ang iyong paningin sa malayong bagay, at magsagawa ng quick break kada 20 minuto. Lumayo lamang sa Internet, dahil ang minuto ay maaaring maging oras.

Ngunit kung ikaw ay ganado sa pagtatrabaho, hindi na kailangan ng madalas na break. Ngunit makaraan ang 45 minuto o isang oras, tumigil at mag-unat-unat. Kailangan ito ng iyong katawan.

*Human contact – ang office workers ay may tipikal na 15 minute break at kalahating oras para sa tanghalian. Ibigay ang oras na ito sa iyong sarili at makihalubilo sa ibang worker. Maaaring sa pamamagitan ng Skype o chat. Maglakad-lakad sa labas o magkape at kumain kasama ng ibang worker.

*I-Feng Shui ang iyong opisina. Sa Feng Shui office, dumadaloy nang maayos ang chi at ang iyong misa ay nagiging ergonomic comfort, na makatutulong sa iyo sa pagiging higit na produktibo.

Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *