Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pusong Walang Pintig ng Pagibig (Part 21)

00 puso rey

NAKALIGTAS SI YUMI SA TANGKANG RAPE NG LESBIAN PERO ‘DI SIYA INILIGTAS NG SINGER

Si Jimmy John? Sa paningin ni Yumi ay nagmistulang sinto-sinto ang singer/pianist. Patuloy kasi nitong tinatalakay ang kasong rape: “Ang rape o panggagahasa ay isang krimen na labag sa batas at kara-patang-pantao. Ito ay may kaukulang parusa batay sa bigat ng nagawang krimen at kapasiyahan ng hukuman…”

Inagapa-yanan si Yumi sa paglabas ng kuwarto ng singer/pianist ng mga taong sumaklolo sa kanya. Napahagulgol siya sa pagkukwento ng buong insidente ng tangkang panggagahasa sa kanya ni Miss Ellaine. Kasunod niyon ay sinamahan siya ng hepe ng mga sekyu sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. Kakasuhan niya ng rape ang dayuhang lesbian.

Tumawag siya kay Arman upang makasama at makapagbigay sa kanya ng moral support. Pero hindi sumagot ang tinatawagan niya gayong bukas naman ang linya ng telepono nito.

Matapos niyang makapagbigay ng sinum-paang pahayag sa himpilan ng pulisya ay mag-isa na siyang umuwi sa kanilang tahanan. Gi-sing pa ang kanyang ina na naghihintay sa kanyang pag-uwi. Nagpahanda agad ito ng pagkain sa kanilang kasambahay.

“Sabay tayong kumain, anak…” sabi ni Mommy Fatima.

“Sige po…” ang matamlay niyang tango.

Bubuksan sana ni Yumi sa ina sa harap ng hapag-kainan ang paksa na may kinalaman sa tangkang panggagahasa sa kanya ni Miss Ellaine at ang paghahain ng reklamo sa pulisya. Pero naunahan siya nito sa pagkukwento ng tungkol kay Arman.

“Galing siya rito kaninang umaga… At tulad nang dati, kitang-kita ko ang kawalan niya ng sigla. Inamin naman niya sa akin na mayroon siyang sakit… diabetes. Pero sabi daw naman ng kanyang doktor ay ‘di naman malala…” pasi-mula ni Mommy Fatima.

“‘Yun po siguro ang dahilan ng kanyang pamamayat…” putol niya sa pagkukwento ng ina.

“Maaari… Pero bakit tingin ko sa kanya,e, masyado siyang depress na depress…At ano ang koneksiyon ng pag-uwi niya sa probinsiya sa pagkakasakit niya?”

“B-baka gusto po n’yang magbakasyon du’n para lubusang makapagpahinga,” naikatuwiran niya.

“Ipinaalam ba n’ya ‘yun sa ‘yo?” naitanong ng kanyang ina.

Iling ang isinagot niya. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …