Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kurikit (Ang Duwendeng Makulit) (Ika-6 labas)

00 duwende_logo

DAHIL SA PAGIGING KAKAIBANG DUWENDE NI KURIKIT NAPAG-INITAN SIYA NG PALASYO AT NG IBANG KABABAYAN

Matindi kasi ang lihim na galit sa kanya ng kanilang hari dahil malaking banta siya tinatamasang kapangyarihan. Marami rin sa mga kapwa duwende ang nangingilag kundi man asar sa kanya. Makulit daw siya. Matingkad kasi sa personaliad niya ang pagiging mapaggiit sa mga kaisipang pinaniniwalaan niyang tama at matuwid.

Ilan sa mga halimbawa niyon ang pagkontra ni “Kurikit Kulit” sa paniniwala ng ‘di iilan sa kanilang daigdig na “masasama ang lahat ng duwendeng itim.” Sa ganang kanya, hindi batayan ang kulay ng ba-lat sa pagiging masama at mabuti ng isang duwende. Dapat aniyang husgahan sa kung ano ang ginagawa, iniisip at sinasalita. Binara rin niya ang mga nagsasabing “pra-ning” ang sino mang naghahangad na baguhin ang kanilang mga sinaunang kultura at tradisyon. Sabi niya: “Hindi ba pwedeng hindi tulis ang sapatos ng mga duwende? Bakit kinakailangan nating magsombrero kahit sa panahon ng tag-init? Pagkaha-haba na ang bigote at balbas ay bakit ayaw pang ahitin? Higit sa lahat, bakit tayo pumapa-yag na magpasalin-salin lang sa iisang angkan ang korona ng namumuno sa atin, lalo’t ‘di naman karapat-dapat sa tungkulin? At bakit nakanganga lang ang marami sa atin?”

Bulung-bulungan sa sosyedad na kina-bibilangan ng pamilya ni Kurikit na siya raw ay isang “abnoy.” Bukod kasi sa pagi-ging sobrang matalino ay ipinanganak pa siya nang kulang sa buwan. Pitong buwan lamang siyang ipinagbubuntis noon ng inang si Kookay at nag-apura na agad siyang makalabas sa sinapupunan nito. Kagulat-gulat din ang laki niya na doble ang laki sa mga karaniwang sanggol na duwende. At kaybilis-bilis ng kanyang pagtaas na umabot sa mahigit limang talampakan sa pagtuntong niya sa edad na labingwalo. “Mabilis kasing magprodyus ng growth hormone ang katawan ng anak ko,” ang paliwanag ng ina ng binatang duwende sa mga nagtatanong.

“E, bakit mukhang taong mortal ang anak mo?” tanong pa ng isang tsismosang duwende.

“Ipinaglihi ko kasi siya sa male star ng isang telenobela ng mga nilikhang mortal, e,” ang prangkang sagot ng inang si Kookay.

“Sa anong channel? Kapuso, Kapamilya o Kapatid network?” urirat pa ng kausap ng ina ni Kurikit.

“Secret…” anito sa pangiti. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …