KASABAY ng pagkompirmang tunay ang mga hubo’t hubad na larawan niya na kumalat sa Internet mula sa hacking ng iCloud ng Apple, kinondena ng horror movie actress Mary Elizabeth Winstead ang mga nagsagawa ng sinasa-bing paglabag sa kanyang privacy at gayon din sa iba niyang kasamahang celebrity.
“Para sa mga gumawa nito at mga nanonood ng aming mga larawan ng aking asawa, umaasa akong masaya kayo sa inyong ginawa,” tweet ni Winstead.
Nahayag lamang kamakailan ang lawak ng hacking nang simulang i-share ng kani-kanilang mga larawang nabuksan ang mga user ng 4chan message board, isang diverse online community na matagal nang binabatikos sanhi ng panghihimasok sa privacy ng maraming high profile na indibiduwal.
Ayon sa report ng on news at gossip site na Gawker, may isang linggo nang ipinagmamayabang ng mga user ng isang AnonIB—na anonymous na photo-sha-ring platform—ng ginawang hacking ng mga larawan at video ng iba’t ibang mga celebrity na nakahubad at walang saplot.
May ilan din mga user, na nagtatago sa likod ng mga pseudonym, ang nagtangkang ibenta ang mga imahe o ikalakal ang sa ibang mga hacker.
Ipinaliwanag ng Tech news site na The Next Web na may ebidensyang nahanap ng mga hacker ang kahinaan sa ‘Find my iPhone’ service ng Apple.
Sinabi naman ng Apple na natapalan na nila ang sinasabing ‘butas’ subalit matapos lang na kumalat ang balita ng paglaganap ng mga hubad na larawan sa hacker community para magkaroon ng access ang mga estranghero sa kanilang private online data.
Mayroon din naman mga report na maaaring ang mga imahe ay nakuha mula sa iba’t ibang mga source, marahil hindi lamang sa iCloud at nakalap sa nakalipas na panahon.
Kinalap ni Tracy Cabrera