HINDI natin alam ang resulta ng huling laro ng Pilipinas kontra Senegal kagabi dahil sa mas maagang isinulat ang pitak na ito kaysa sa duwelong iyon.
Pero kahit na ano pa ang nangyari sa larong iyon, proud pa rin ako sa performance ng ating mga manlalaro.
E, kung sakaling nanalo tayo kagabi, aba’y mas masaya tayong lahat kahit pa hindi tayo nakapasok sa susunod na round.
Pero sa ngayon, hndi naman ako nalulungkot na nalaglag tayo.
Okay lang yun.
Ang mahalaga ay naipakita natin sa buong mundo na kaya nating lumaban sa mahuhusay. Biruin mong tatlong dekada bago tayo nakabalik sa World tournament. Tatlong dekada nating hinintay ang pagkakataong ito, e.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ganoong kataas ang expectations ng ahat sa RP Team.
Sa isipan nga ng iba’y matatambakan tayo ng mga kalaban dahil sa sobra ang tatangkad nila.
Pero natambakan ba tayo?
Hindi e.
Dikdikan ang naging laban hanggang sa dulo. Puwede tayong nanalo kontra sa Perto Rico noong Miyerkoles.
Heck! Puwede nga nating talunin ang Croatia sa una nating laro kung nakuha lang natin ang breaks!
Oo, na-eliminate tayo.
Pero hindi tayo napahiya.
At lalong hindi nangangahulugang nagwakas na ang ating pangarap.
Sabrina Pascua